Wednesday , August 17 2022

Niño Aclan

Batang ina dumami sa panahon ng lockdown

KASUNOD ng Executive Order ng Malacañang na nag­dede­klarang gawing prayo­ridad ang pag­resolba sa teenage pregnancy o maaagang pagbubuntis ng mga kabataan, binigyang diin ni Senador Win Gatchalian ang kahala­gahan ng pagtugon sa mga kakulangan ng comprehensive sexuality education (CSE). Mandato ng Respon­sible Parenthood and Reproductive Health (RPRH) Act of 2012 (Republic Act 10354) ang pagkakaroon ng angkop na reproductive health …

Read More »

Satellite-based technologies para sa mas maayos na digital education

MAS mabilis na pagpapalawig ng digital technology sa mga pampublikong paaralan. Ito ang isa sa mga bene­pisyong tinukoy ni Senador Win Gatchalian sa paggamit ng satellite-based technologies sa pagpapalawak ng internet access sa bansa. Layon ng inihain ni Gatchalian na Senate Bill No. 2250 o “Satellite-Based Technologies for Internet Connectivity Act of 2021” na palawakin ang access sa satellite-based technologies …

Read More »

Palawan Pawnshop CEO Bobby Castro tumanggap ng Honorary Doctorate Degree

SA MATAGUMPAY na pagsuong sa entrepreneurship at community service, tinanggap ni Palawan Pawnshop-Palawan Express Pera Padala (PPS-PEPP) president at CEO Bobby L. Castro ang honorary doctorate degree mula sa University of Baguio. Ipinagkaloob kay Castro ang Doctor of Humanities Honoris Causa sa ipinakita niyang kakayahan na magawa at mabago ang PPS-PEPP bilang nangunguna sa pawnshop at domestic money remittance industry …

Read More »

Bayanihan, hindi kulungan, gabay sa bakuna — Solon

KULTURA ng Bayanihan, at hindi ang takot na maaresto kapag tumanggi sa bakuna, ang dapat mangi­babaw upang maging ganap na mata­gumpay ang pagbabakuna sa mga Filipino laban sa CoVid-19. Ayon kay Senador Panfilo Lacson, dapat maisip ng publiko na higit na mahalaga ang bakunang kanilang matatanggap dahil siguradong protek­siyon ito, hindi lamang sa kanila kundi sa mga taong makasasalamuha nila – …

Read More »

Duda, hindi pera sagabal sa herd community — Imee

SAMANTALA, nanawagan si Senador Imee Marcos sa pamahalaan na maglatag ng mas klarong estratehiya para mapataas ang bilang ng mga mahihikayat na magpabakuna at mapabilis ang herd immunity laban sa CoVid-19, para tuloy-tuloy ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa.   “May pera tayong pambili ng mga bakuna. Pero nananatiling hamon ang pag-aalangan o pag-aatubiling magpabakuna ng mga mamamayan na maaaring …

Read More »

Malinaw na panuntunan sa ‘proof of vaccination’ para sa mga Pinoy at OFWs (Hiling ni Villanueva)

HINILING ni Senator Joel Villanueva na linawin ng gobyerno ang tila nakalilitong panuntunan sa proof of vaccination na hihingin sa mga nabakunahan na lalo sa hanay ng overseas Filipino workers (OFWs).   Ayon sa senador, chairman ng Senate labor committee, nakatakda sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na bukod sa vaccination card, kailangan rin ipakita bilang patunay na fully …

Read More »

2 empleyado ng senado namatay sa Covid-19

Covid-19 dead

DALAWANG empleyado ng senado ang kompirmadong namatay sanhi ng COVID 19.   Ito ang napag-alaman mula sa isang mapagkakatiwalaang source ngunit tumangging pangalanan ang mga naturang empleyado.   Ang mga pumanaw na empleyado ng senado ay pawang mga driver na nakataaga sa Secretariat ng Senado.   Halos dalawang linggoo lamang ang pagitan ng pagpanaw ng dalawang driver.   Nagsagawa ang …

Read More »

CoVid-19 isinama ng ECC sa work-related diseases

ISANG mainit na pagtanggap ang isinalubong ni Senator Joel Villanueva sa balitang kasama na sa listahan ng “work-related diseases” ang CoVid-19 na pwedeng idulog at makahingi ng pinansiyal na tulong sa Employees’ Compensation Commission (ECC).   Aniya, parehong makatutulong ito sa mga negosyante at manggagawa lalo na kung ay tamaan ng CoVid-19 ang mga empleyado sa mga tanggapan, pabrika o …

Read More »

Imported na baboy, isubasta para malantad sa publiko — Marcos

HINIMOK ni Senador Imee Marcos ang mga economic managers ng bansa na isubasta ang mga imported na baboy para makatiyak na lantad ang alokasyon sa mga negosyante oras na madesisyonan ang pinal minimum access volume (MAV) ng aangkating baboy.   Sinabi ni Marcos, chairman ng Senate committee on economic affairs, makatutulong ang subasta sa imported na baboy para matanggal ang …

Read More »

PH economic complexity tinalakay ni Angara (Sa Stanford University)

SA ISANG hindi pangkaraniwang pagkakataon, nagtalumpati sa harap ng mga mag-aaral ng Stanford University si Senador Sonny Angara at ibinahagi ang mga kritikal na usapin sa ekonomiya ng Filipinas.   Ang talumpati na ginanap via Zoom ay sumentro sa kung paanong nagagawang progresibo ng isang bansa ang takbo ng kanyang ekonomiya at kung paano ito nagiging benepisyal sa publiko, partikular …

Read More »

Sen. De Lima nakalabas kahapon sa ospital (Mild stroke)

MALIBAN sa tila pagbaba ng timbang, walang naaninag na kakaibang pisikal na pinsala matapos mapabalitang nakaranas ng mild stroke si Senadora Leila De Lima.   Kahapon, nakunan ng larawan ang senadora habang papabas sa Manila Doctors Hospital (MDH) sa Ermita, Maynila at nakatakdang ibalik sa Philippine National Police – Custodial Center, matapos ang matagumpay na pagsasailalim sa iba’t ibang uri …

Read More »

Inflation rate ng NEDA mintis sa mataas na presyo ng bilihin

KINUWESTIYON ni Senador Imee Marcos ang hindi pagkakatug­ma ng mataas na presyo ng pagkain sa mga palengke sa iniulat na pagbaba ng inflation rate sa bansa. Sinabi ni Marcos, pinuno ng Senate committee on economic affairs, dapat tapyas na ang mga presyo ng pagkain dahil malaki ang epekto nito sa pagkalkula ng inflation rate na sinasabing bumaba sa 4.5%. “Totoo …

Read More »

MECQ hindi ECQ — Marcos

IGINIIT ni Senadora Imee Marcos na tutol siya sa enhanced community quarantine (ECQ) dahil wala nang sapat na kakayahan para ipatupad ito kaya’t marapat na modified enhanced community quarantine  (MECQ) na lamang ang ipatupad. Aniya, walang silbi ang ECQ kung walang complete medical protocols katulad ng testing, contact tracing, bakuna at ang ikalawang social protection para sa lahat ng pangangai­langan. …

Read More »

Bakuna gamitin bago mag-expire

HINIKAYAT ni Senator Joel Villanueva ang gobyerno na agad gamitin ang bakuna upang hindi ito masayang, at kung kinakailangan ay iturok agad sa next priority group tulad ng essential workers. “Ang vaccination po ay time-on-target dahil may expiry date ang mga ito,” ani Villanueva, chair ng Senate labor committee. “Imbes masayang, gamitin na po ito kaagad.” Ayon kay Villanueva, dapat …

Read More »

AFP CS, 88 officials kinompirma ng CA

KINOMPIRMA ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, General Cirilito Sobejana, at ng 31 military officials ganoon din ang nominasyon ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Aimee Ferolino-Ampoloquio, bukod pa sa nomina­syon ng limang ambassador na kakatawan sa Filipinas at 51 opisyal ng Department of Foreign Affairs …

Read More »

Maayos na pagpapatupad ng DepEd Computerization Program tiyakin — Gatchalian

deped Digital education online learning

KAHIT ilang ulit nang ipinagkaloob ng Bureau of Customs (BoC) sa Department of Education (DepEd) ang mga kinom-piskang gadgets upang makatulong sa distance learning, hinimok ni Senador Win Gatchalian ang kagawaran na tiyakin ang mabilis at maayos na pagpapatupad ng sarili nitong computerization program. Layon ng DepEd Computerization Program (DCP) na maglagay ng mga angkop at kinakailangang tekno­lohiya para mapunan …

Read More »

Senators umangal sa diskriminasyon vs pagbili ng bakuna

BINATIKOS ng mga Senador ang napaulat na draft memorandum ng Department of Health (DOH) ukol sa pagbabawal ng pagbili ng bakuna laban sa CoVid-19 ng ilang mga pribadong kompanya na maituturing na diskriminasyon. Ilan sa mga senador ang bumatikos sa DOH ay sina Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, Senate Minority Leader Franklin Drilon, Senadora Nancy Binay at Imee Marcos. Iginiit …

Read More »

Kabataang babae proteksiyonan laban sa epekto ng pandemya

SA GITNA ng mga bagong paghihigpit dahil sa pag-akyat ng mga kaso ng CoVid-19, muling binigyang-diin ni Senador Win Gatchalian ang kahala­gahan ng pagpapatuloy ng edukasyon at ng mga programang nagbibigay proteksiyon sa mga batang kababaihang nahaharap sa matinding panganib. Kamakailan ay ibinahagi ng Commission on Population and Development (POPCOM) ang naging resulta ng isang survey ng Social Weather Stations …

Read More »

BARMM elections makaaantala sa pag-unlad ng rehiyon (Kapag iniliban)

BARMM

NAGBABALA si Senador Imee Marcos na ang pagpapaliban ng eleksiyon sa Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao (BARMM) ay maka­aantala sa pag-unlad ng rehiyon at sa pagtatama ng makasaysayang kawalan ng hustisya sa mga mamamayan nito. Binigyang diin ni Marcos sa harap ng paghahain ng maraming panukalang batas sa senado at kamara na ipagpaliban sa 2025 ang nakatakda sa batas …

Read More »

Intel network peligrosong atakehin ng hackers

MALAKI ang posibilidad na malagay sa alanganin ang intelligence network at information ng bansa sa sandaling maitayo ang cell sites sa ilang kampo sa bansa batay sa kasunduang nilagdaan ng  Armed Forces of the Philippines (AFP) at Dito Telecommunity. Sa ulat ng CNN Philippines, pinagkalooban ng Department of Information and Communication Technology (DICT) ang 3rd telco na kauna-unahang pribadong kompanya …

Read More »

Pagtupad ng NCIP sa EVOSS law garantisado na — Gatchalian

IKINALUGOD ni Senador Win Gatchalian ang pagtupad ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa mga probisyon ng Energy Virtual One-Stop Shop (EVOSS), dalawang taon matapos maging isang ganap na batas, at pasinayaan ang pagsusulong ng mga proyekto sa industriya ng enerhiya. Sa isang Commission En Banc Resolution, inaproba­han ng NCIP ang nakasaad na time frame sa paglalabas ng Certificate …

Read More »

Pilot testing ng face-to-face classes dapat isagawa bago nationwide

IMINUNGKAHI ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara sa pamahalaan ang pagsasagawa ng pilot testing ng face-to-face classes bago maisagawa ang nationwide face to face dahil patuloy pa rin, mayroong pancdemyang kinahaharap ang bansa. Binigyang-linaw ni Angara na nais na rin niyang magbalik sa eskwela sa pamamagitan ng face-to-face ang mga mag-aaral subalit hindi dapat magpadalos-dalos sa desisyon ang pamahalaan. “Gusto …

Read More »

Blanket immunity para sa vaccine manufacturers hindi dapat — Drilon

SUPORTADO ni Senate Minority Leader Franklin Drilon si vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr., sa desisyong ‘wag bigyan ang vaccine manufacturer/s ng blanket immunity sa bawat bakuna ukol sa CoVid -19. Ayon kay Drilon, sapat nang hindi sila maaaring sampahan ng kaso ngunit sa iba pang pananagutan ay hindi ligtas ang vaccine manufacturers. Binigyang-diin ni Drilon, taliwas sa ating Konstitusyon …

Read More »