Thursday , June 4 2026
Sa P28-M drug bust sa Parañaque Drug suspect todas 4 PDEA agents sugatan

Sa P28-M drug bust sa Parañaque
Drug suspect todas 4 PDEA agents sugatan

NAPATAY ang sinabing high value drug suspect sa pakikipag-enkuwentro sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ngunit apat na tauhan ng ahensiya ang sugatan sa buybust operation  na inilunsad sa Goodwill 3 Village, Brgy. San Antonio, Parañaque City Miyerkoles ng gabi, 9 Abril.

Batay sa ulat, dakong 5:30 ng hapon, 9 Abril, ikinasa ng Operating Unit ng PDEA NCR ang buybust operation sa Aster St., Goodwill 3 village, Brgy San Antonio, Parañaque City.

Positibong kinilala ang napatay sa enkuwentro, tinukoy na siyang target ng buybust operation ang isang alyas Sadam, sinabing taga-Datu Odin Sinsuat sa Mindanao.

Agad na itinakbo ang apat na sugatang PDEA intelligence officers sa kalapit na Parañaque Medical Center upang lapatan ng lunas.

Naaresto ang asawa ni Sadam, kinilala sa alyas na Lalaine Pidodido, at ang dalawang lalaking katulong sa  bahay na sina Aladin Salipad at Binladin Untog.

Kabilang sa nakompiskang ebidensiya ang apat na paketeng naglalaman ng hinihinalang apat na kilong shabu, tinatayang may street value na P28 milyon.

Nakuha rin ang isang kalibre .45 baril, 6 live ammunitions, magazine, 2 cellphone, weighing scale, at P2 milyong boodle money.

Kaugnay nito, kasalukuyang sinusuri ang mga financial transactions ng grupo makaraang makuha ang checkbook ng isang malaking banko sa bansa.

Samantala, nasa pangangalaga at imbestigasyon ng scene of the crime operations (SOCO) ang dalawang kotse na sinabing pag-aari ni Sadam.

Sinusuri rin ang 9mm baril at 23 basyong bala na narekober sa crime scene. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …