Thursday , June 4 2026
Vilma Santos Ekstra

Vilma naniniwala sa lakas, katapangan ng mga kababaihan sa makabagong panahon

HARD TALK
ni Pilar Mateo

PAGPUPUGAY sa mga kababaihan sa buwan ng Marso.

At idinaos sa Manila Metropolitan Theater ang Cine Filipina: Women’s Month Screening na dinaluhan ni Batangas Governor Vilma Santos na muling napanood ang pelikula niya kay direk Jeffrey Jeturian. Ang Ekstra na ang tema ay “Not Just an Extra: A Trivute to Women’s Invisible Labor.”.

Bahagi ng pagdiriwang ng  Buwan ng Kababaihan angprograma. Bilang pagbibigay-pugay sa mahalagang papel ng kababaihan sa lipunan. Sa  mga ambag na madalas hindi makita bagamat may malaking epekto sa komunidad at bansa.

Nagkaroon ng talakayan  sa ginanap na screening. Sa inikutan ng katauhan ni Governor Vilma bilang isang ekstra. Si Loida. 

Ang Ekstra ay itinuturing na isang obra na nagpapakita ng buhay at sakripisyo ng mga kababaihang manggagawa sa likod ng kamera at sa iba pang larangan ng lipunan. 

Sumalang sa ginanap na talk balk matapos ang pelikula, si direk Jeffrey, ang isa pang premyadong aktres na si Ruby Ruiz, at si Kim Harold Peji (Chief GAD Specialist mula sa Philippine Commission on Women).

Ibinahagi nila ang kanilang mga karanasan at pananaw tungkol sa kahalagahan ng pagkilala sa “invisible labor” ng kababaihan.

Nagsilbing moderator si Anne Frances Sangil (Associate Professor mula De La Salle University) na kabilang sa mga nagsidalo ang mga tagasuporta ng sining, estudyante, mga department head ng lalawigan ng Batangas at ang Vilmanians. 

Sa pamamagitan ng programang ito, muling naipakita ang kahalagahan ng pelikula bilang daluyan ng makabuluhang kwento at inspirasyon na nagbibigay-pugay sa lakas, dedikasyon, at mahalagang ambag ng kababaihang Filipino sa lipunan.

Higit sa ano pa man, naniniwala si Gov Vilma sa lakas at katapangan ng kababaihan sa makabagong panahon. Na hindi nga raw hahayaang mabastos at hindi irespeto sa alinmang paraan.

At sa pagpapatuloy ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan dadalhin din ito sa Cine Filipina @ Cinematheque Center Manila. 

Kabilang pa rin ang Ekstra sa mga pelikulang may sari-saring istorya sa big screen na mapapanood simula Marso 26-29, 2026. Gaganapin ito sa Philippine Film Heritage Building sa Intramuros, Maynila (sa tabi ng Baluarte de San Diego).

Isang paanyaya at pagbibigay pugay sa mga kababaihan noon, ngayon at sa mga susunod pang henerasyon. Lalo’t higit ang mga nagbigay ng inspirasyon sa kinabukasan ng ating Sining sa Pelikula.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …