Thursday , June 4 2026
Miles Obra Disco Forever D4E Concert

Mga nagpasikat sa 70s, 80s, 90s steps magpapasabog sa D4E

HARD TALK
ni Pilar Mateo

SAYAW! Disco 4 Ever. D4E. Dance concert sa March 21, 2026 sa Theatre at Solaire, 8:00 p.m. 

Parang sunod-sunod na ang mga nagpapalabas ng mga show o concert na sayaw ang tema. At lahat ay matagumpay.

Sa pagkakataong ito, sasabihing tama lang na gawin ito ng B&B House of Talents and Events Management at boss ng Intele Builders at kilalang philanthropist na si Cecille Bravo

Katulong ang bestfriend niyang business man at may-ari ng Escobar Travel and Tours, na si Raoul Barbosa, napagkasunduan nila na gawing isang malaking concert ang pagsasama nina Madam Cecille at ng tita niyang si Miles Obra nang nag-reunion sila na sayawan ang nangyari.

So, heto na nga. Ang goal ni Madam Cecille ay hindi sa mga kilala na artists mag-focus.

“Ang gusto kong ipakita at makilala ng henerasyon ngayon ay ‘yung mga taong nagpakilala at nagpasikat sa mga dance craze na up to now ay naisasayaw pa rin natin,” katwiran ni Madam Cecille.

And how she loved to dance.

Sasamahan si Miles (now Mrs. Borin) ng mga nagpakitang-gilas sa kanya-kanyang mga panahon sa pagaasayaw. Si Ms. Yvonne Salcedo na nakasama rin gayundin si Ms. Body Language na si Pia Moransa Taxco Disco Club.

At ang naging protege ng kinikilala sa pagiging choreography na si Geleen Eugenio, na si Tess(DabasolSmith na sa Germany naman nagkapangalan bilang The Soul of  Tina Turner sa nasabing bansa.

Makakasama nina Miles ang mga  batikan sa sayawan na nakasama niya sa WEA gaya ni Jimmy Santos (not the artista), Raffy Chan, at marami pang dance groups.

Sa ginanap na presscon, nagpa-sample na ng kanilang dance prowess as well as in singing ang mga bida including Ima Castro at Sephy Francisco.

Balitang sasalang din sa show ang boy group of the 80s na Boyfriends at sina Terry at Lally na mas nakilala bilang Aldeguer Sisters.

Ito ay mula sa direksiyon ni Miguel Tanchanco (Geleen’s son) with events director Flo Reyes.

So, put on your dancing shoes and let us dance the night away to the beat of the 70s 80s and 90s craze.

Siguradong alam na alam pa natin ang steps ng mga panahon na ‘yan. But this time, kasama na natin ang mga nagpasabog at nagpasikat sa steps ng iba’t ibang tugtugin! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …