Thursday , June 4 2026
Kakayahan at kapangyarihan ng kababaihan hindi kayang sukatin — Tolentino

Kakayahan at kapangyarihan ng kababaihan hindi kayang sukatin — Tolentino

WALANG kahit sino ang maaaring sumukat sa kakayahan at kapangyarihan ng mga kababaihan sa ating henerasyon sa kasalukuyan.

Ito ang binigyang-diin ni re-electionist at Senate Majority Leader Senator Francis “Tol” Tolentino sa kanyag pagdalo sa Local Lady Legislators League in the Philippines (4L).

Hindi naitago ni Tolentino ang kanyang pagmamalaki na ang mga kasama niya sa pang-araw-araw na lakad bago pa man siya maging senador hanggang sa kasalukuyan ay pawang mga babae pati ang security aide at executive assistance.

Pinuri ni Tolentino ang naging ambag ng bawat kababaihang mambabatas sa ating bansa mula sa local government units (LGU) na talagang kayang-kayang pantayan o higitan pa ang mga kalalakihan.

Sang-ayon din si Tolentino sa pahayag na hindi pamalit sa mga lalaking kamag-anak na nagtatapos ang termino sa pagtakbo sa halalan ang isang babae para mamuno sa bayan, sila ay nararapat dahil may angking talino at talento at mayroong pambihirang taglay na kakayahan.

Umaasa si Tolentino na isa sa mga miyembro ng 4L ang susunod na mataas na lider at pinuno ng ating bansa.

Hindi tuloy naitago ni Tolentino ang pagbibigay halimbawa kay dating Pangulong Corazon Aquino at Gloria Macapagal Arroyo at umaasa siya na balang araw ay mayroon pang ilang mga kababaihan ang maging Pangulo ng bansa.

Sa huli bilang bahagi ng women’s month ay kanyang pinaalalahanan ang lahat ng kababaihan na ipagpatuloy ang mga ginagawa at ang bawat sinimulan.

Nanawagan siya sa lahat na sama-samang protektahan ang Palawan na isa mga lugar na bahagi ng Filipinas. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …