Wednesday , June 29 2022

Niño Aclan

Desisyon ng Comelec, irespeto — Lacson

Comelec

NANAWAGAN si presidential aspirant senator Panfilo “Ping” Lacson sa lahat na irespeto ang nagging desisyon ng Commission on Elections (Comelec) sa pagbasura sa isa sa petisyong humihiling na ipawalang-bisa o ibasura at kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ni presidential aspirant at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Sa ibinasurang petsiyon, binigyang-diin ang paghatol kay Marcos ng Quezon City Regional …

Read More »

CoVid-19 home care kit suportado ni Bong Go

DOH Kalinga Kit

SUPORTADO ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, Chairman ng Senate Committee on Health ang hakbangin ng Department of Health (DOH) na pagkakaloob ng “Basic Kalinga Kit” para sa mga pasyente ng CoVid-19. Batay sa pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III, inaayos nila ang 35,000 CoVid-19 care kits na maglalaman ng 20 piraso ng masks, isang bote ng sanitizer, sabon, …

Read More »

Presyo ng swab tests pahirap sa mahirap

Covid-19 Swab test

“ANG presyo ng CoVid-19 swab test ay hindi nakaukit sa bato, at ang mga panuntunan para sa pagtatalaga ng halaga nito ay maaaring baguhin o babaan ng pamahalaan kung ito ang kailangan ng sitwasyon,” ayon kay Senator Joel Villanueva. “Hindi po forever ang itinakdang presyo para sa RT-PCR test,” aniya, kasabay ng apelang ibaba ang presyo ng RT-PCR sa makatarungang …

Read More »

Total lockdown sa Senate Bldg. pinalawig pa

Senate Philippines

PINALAWIG pa ang naunang pagsasara o total lockdown ng mismong gusali ng senado na nasgimula noong 10 Enero hanggang 23 Enero. Ito ang bagong kautusan na ipinalabas ni Senate Secretary Atty. Myra Marie Villarica matapos ipag-utos ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang extension ng no work policy sa gusali ng senado. Mismong ang pamunuan ng Senate Medical and …

Read More »

TESDAMAN pinasalamatan ng state universities & colleges

Joel Villanueva, Tesdaman

PINURI at pinasala­ma­tan ng Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC) si re-electionist at Senator Joel “TESDAMAN” Villanue­va dahil sa ‘di matata­warang suporta at tulong sa sektor ng edukasyon tulad ng mga dagdag na pondo para sa State Universities and Colleges (SUCs) sa ilalim ng 2022 national budget. Kinilala ng PASUC si Villanueva bilang Champion of Higher Technical and …

Read More »

Mga residente ng QC, Caloocan at Pangasinan
NABUDOL SA ‘TALLANO GOLD’

Gold Bars

MATINDING galit ang naramdaman ng mga residente ng ilang barangay sa mga lungsod Quezon City at Caloocan, gayondin sa Pangasinan dahil sa napakong pangako ng kampo ni Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na bibigyan sila ng parte sa ‘Tallano gold.’ Napag-alamang may lumapit sa kanilang nagpakilalang mga tao ni Marcos at pinangakuan sila na bibigyan ng ‘Tallano gold’ kapalit ng pagsuporta …

Read More »

PH healthcare system prayoridad sa 2022 nat’l budget

PALAKASIN ang mga government hospitals laban sa CoVid-19 at iba pang karamdaman ang layunin ng inilatag na 2022 national budget. Sinabi ito ni Senador Sonny Angara, chairman ng Senate committee on finance na nanguna sa pagpasa ng pambansang pondo para ngayong 2022. Ani Angara, pangunahing layunin ng 2022 national budget na mapalakas ang healthcare system ng bansa upang mapunan ang …

Read More »

Simula ngayong araw
TOTAL LOCKDOWN SA SENATE BUILDING

Senate Philippines

SIMULA 10 Enero 2022, isasailalim sa total lock­down ang mismong gusali ng senado, kaya na­ngangahulugang ‘walang pasok’ ang mga empleya­do mula ngayong araw hanggang 16 Enero 2022. Ang kautusan na ipasara ang gusali ng senado ay mula kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, matapos mabataid na 46 emple­yado ang nagpo­sitibo sa CoVid-19 samantala 175 empleyado ang nasa quarantine restrictions. …

Read More »

Sa desisyon kay Obiena
SENADOR DESMAYADO SA PATAFA

EJ Obiena PATAFA

DESMAYADO si Committee on Sports Chairman Senator Christopher “Bong” Go sa desisyon ng Philippine Athletics and Track and Field Association (PATAFA) na alisin ang pole vaulter na si EJ Obiena mula sa national training pool ng mga manlalaro. Imbes tulungan at tingnan ang kapakanan ng national athletes upang makapag-focus sa paghahanda sa mga international competitions, nakakaladkad pa sa isyu na …

Read More »

SB 1341 nakatengga
LIBONG MC DRIVERS WALANG TRABAHO

Motorcycles

NAKATENGGA pa rin ang Senate Bill No. 1341 o ang The Motorcycles-for-Hire Act na makapagbibigay ng karagdagang trabaho sa libo-libong motorcycle drivers na nakatunganga at naghihintay. Ito ay matapos ipatigil ng Technical Working Group ( TWG) ang isinasagawang pilot testing kahit hindi lahat ng ride hailing companies ay nakasama, tanging Joy ride, Angkas at MoveIt lamang ang nabigyan ng pagkakataong …

Read More »

No-El posible — De Lima

NAGBABALA si Senadora Leila de Lima sa posibleng no election scenario ngayong darating na 9 Mayo 2022 national elections. Ang babala ni De Lima,  dating election lawyer ay kanyang inihayag matapos hilingin sa Commission on Elections (Comelec) ng PDP-Laban Cusi wing na palawigin ang araw ng paghahain ng certificate of candidacy (COC).             “The petition of the PDP Laban-Cusi wing to open …

Read More »

JSY, the best boss that i’ve ever met

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko kayang ilarawan ang isang Jerry Sia Yap na nakilala ko ilang taon na ang lumipas simula nang kanya akong tanggapin bilang isa sa mga empleyado niya matapos lumisan sa dating peryodikong aking sinusulatan. Sa unang tingin ko sa kanya ay sobrang seryoso kaya’t inakala kong …

Read More »

JSY, the best boss that i’ve ever met

Bulabugin ni Jerry Yap

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko kayang ilarawan ang isang Jerry Sia Yap na nakilala ko ilang taon na ang lumipas simula nang kanya akong tanggapin bilang isa sa mga empleyado niya matapos lumisan sa dating peryodikong aking sinusulatan. Sa unang tingin ko sa kanya ay sobrang seryoso kaya’t inakala kong …

Read More »

YouTube accounts ng mga kandidato okey beripikahin ng Comelec – Ping

Comelec Youtube

APROBADO at nararapat ang gagawing hakbang ng Commission on Elections (Comelec) sa pagbeberipika ng official YouTube accounts ng mga kandidato para sa 2022 elections, ayon kay Senador Panfilo “Ping” Lacson. Aniya, may potensiyal kasi ang social media na magbigay ng maling impormasyon sa publiko lalo na’t hindi ito regulated. “I couldn’t agree more with the Comelec on this move. The …

Read More »

Bukod sa 2022 national budget
HINDI NAGAMIT NA PONDO PINALAWIG HANGGANG 2022

Philippines money

PINAGTIBAY ng senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na palawigin ang 2021 national budget hanggang Disyembre 2022. Dahil dito ang budget ng iba’t ibang departamento o ahensiya ng pamahalaan na hindi nagamit sa kasalukuyang taon dahil sa pandemya ay maaari pa nilang gastusin o gamitin sa susunod na taon. Bukod pa ito pa sa panukalang pambansang budget …

Read More »

Kiko suportado ng professionals

Kiko Pangilinan

NAGPAHAYAG ng buong suporta sa kandidatura ni vice presidential aspirant senador Francis “Kiko” Pangilinan ang iba’t ibang grupo ng mga professional. Ito ang bunga ng dalawang araw na caravan ng  Team Robredo-Pangili­nan (TROPA) sa Iloilo City na kanilang inikot ni presidential aspirant at Vice President Leni Robredo. Ayon kay Atty. Larry Firmeza, miyembro ng  Ilonggo Lawyers for Leni, gagawin ng …

Read More »

Sa Pag-asa Island, Kalayaan
ELEMENTARY & HS INTEGRATED SCHOOL SA PAG-ASA ISLAND, APRUB SA DEPED

Kalayaan Pagasa Deped

NABIGYAN ng pag-asa para sa isang maayos na buhay ang kabataan ng Pag-asa Island sa Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea.        Ito ang magandang balita na dala ni Senador Ping Lacson matapos aprobahan ng Department of Education (DepEd) nitong Lunes ang pagkakaroon ng Pag-asa Island Integrated Elementary and High School sa susunod na school year, 2022-2023.        “Thank you, Department of …

Read More »

Pandemya tapusin mamamayan magbakuna — Pangilinan

Kiko Pangilinan

NANAWAGAN si vice presidential aspirant Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa lahat na huwag sayangin ang tatlong araw na National Vaccination Day upang mabakunahan. Naniniwala si Pangilinan, ito ang magiging susi upang mawakasan o tapusin ang pandemya sa buong bansa. “Ang pagpapabakuna ay proteksiyon kontra CoVid-19 para sa ating sarili, mga mahal sa buhay, at kapwa. Makilahok at magpabakuna ngayong 29-30 …

Read More »

Quarantine sa isolation room
2 OPISYAL NG PHARMALLY ‘HOYO’ SA PASAY CITY JAIL

113021 Hataw Frontpage

ni NIÑO ACLAN NASA kamay na ng Pasay Bureau of  Jail Management and Penology (BJMP) ang dalawang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na sina Linconn Ong at Mohit Dargani. Mismong ang mga tauhan ng Office of Sargent at Arms (OSSA) ang naghatid at nag-turnover sa Pasay BJMP kina Ong at Dargani. Bago dinala sa Pasay Custodial Center ang dalawa, sumailalim …

Read More »

Dargani siblings ipinakulong na sa Pasay city jail

Mohit Dargani, Twinkle Dargani, Pharmally

IPINAG-UTOS ni Senador Richard Gordon, Chairman ng Blue Ribbon Committee kay Office of Senate Sargent at Arms (OSAA) chief, ret. Gen. Rene Samonte ang agarang paglipat sa magkapatid na Pharmally Official Mohit at Twinkle Dargani sa Pasay City Jail. Ang kautusan ay ipinalabas ni Gordon nang mabigong makipagtulungan si Mohit sa Senado na ipagkaloob ang mga dokumentong hinihingi nila. Ayon …

Read More »

Updenna water project sa Quezon ipinatitigil

Updenna Lumbo Spring Bulk Water Supply Project Dolores Quezon, NIA

IPINATITIGIL ni Senador at vice presidential aspirant Francis “Kiko” Pangilinan ang Updenna Lumbo Spring Bulk Water Supply Project sa Dolores, Quezon dahil ito ay mayroong nakaambang panganib dulot ng mga livelihood project ng mga magsasaka. Dahil dito naghain si Pangilinan ng resolusyon bilang pagpapakita ng suporta sa local farmers, National Irrigation Administration (NIA), at sa local governments ng Dolores at …

Read More »

Walang nagdidikta at nagkokontrol sa pangulo — Bong Go

Rodrigo Duterte, Bong Go, Antonio Parlade Jr

SINAGOT ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang paratang ni retired military general, pamosong red-tagger at presidential aspirant Antonio Parlade, Jr., na walang nagdidikta at nagkokontrol kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Go, ang desisyon ng Pangulo ay sarili niyang pasya at kanyang pinag-isipan nang ilang beses. Ngunit aminado si Go, nagbibigay siya ng mga suhestiyon o payo sa Pangulo …

Read More »

Sa dalawang address na ibinigay
LAO HINDI NAHAGILAP NG OSAA

Lloyd Christopher Lao

BIGO ang team ng Office of the Sargent at Arms (OSAA) ng Senado na maaresto si dating Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-DBM) Undersecretary Christo­pher Lao sa mga address na kanyang itinala. Batay sa inilabas na impormasyon at larawan  at video ng Senate PRIB, lumalabas na walang Christopher Lao na nanu­nu­luyan sa mga address na kanyang ibinigay. Sa kanyang …

Read More »