Wednesday , June 24 2026
Taguig PNP Police

PNP pinuri ng Taguig LGU sa matagumpay na police ops ngayong Oktubre

PINURI ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang Taguig City Police Station (TCPS)  dahil sa sunod-sunod na tagumpay nito sa anti-criminality campaign at matagumpay na mga operasyon ngayong Oktubre na nagresulta sa pagkakaaresto ng high-value targets, pagkakadakip ng NCRPO sa no. 2 most wanted person, at pagsawata ng operasyon laban sa illegal drug activities sa iba’t ibang barangay.

Kinilala ni Cayetano ang liderato ni PCol. Byron F. Allatog pinuno ng Taguig City Police Station at grupo nito sa mabilisang aksiyon, pagtutulungan upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan sa lungsod.

“These accomplishments show the dedication and professionalism of our police force. I commend the men and women of the Taguig City Police for their courage and tireless effort in upholding peace and order,” ani Cayetano.

Sa buong Oktubre ay nagawa ng Taguig Police na maisakatuparan ang mga sumusunod na operasyon:

                – Ang pagkakadakip ng NCRPO sa no. 2 most wanted person na naganap noong 7 Oktubre, ang pag-aresto kay Jomar Salik y Radzak, 21 anyos, may kasong murder na nadakip sa isinagawang operasyon sa  Barangay Upper Bicutan;

– Ang pagkakadakip kay Rowel Msendoza, 26 anyos, nakuhaan ng P3.8 milyong halaga ng shabu na inaresto sa buybust operation sa Pembo noong 1 Oktubre;

                – Ang nakompiskang 169.3 gramo na nagkakahalaga ng P1.15 milyong shabu kay Jason Bagafora, 35 anyos, naganap sa Upper Bicutan nitong nakalipas na 8 Oktubre;

– Ang pagkakadakip sa isang babaeng bumibisita sa isang preso sa pakikipagtulungan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na tinangkang ipalusot ang P95,200 halaga ng shabu sa Manila City Jail annex sa Camp Bagong Diwa noong 12 Oktubre;

– Nasakote din ang nagnganglang Anthony Robert Santos na hinihinalang nasa likod ng sunod-sunod na hold-ups scams na target ay pawang mga motorcycle taxi riders sa lungsod ng Taguig at iba pang kalapit na lungsod;

– At dahil sa tuloy-tuloy na patrolya ng pulisya ay nadakip sina alyas DCS, 34 anyos sa  Barangay North Daang Hari  na nakuhaan ng nagkakahalang ₱59,160 shabu.

Binigyang-linaw ni Cayetano, ito ang patunay na resulta ng kahalagahan ng pagtutulungan at koordinasyon sa pagitan ng local government at pulisya upang higit na bigyang pansin ang krimen at matiyak na mabigyan ng proteksiyon ang mga mamamayan.

“Every arrest and every recovery of illegal items contribute to safer streets and stronger trust between the police and the people. We will continue working with law enforcement to build a Transformative, Lively, and Caring city,”  garantiya ni Cayetano. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Nartatez PNP

2 pulis timbog sa rape at pambubugbog ng misis

INARESTO ang dalawang aktibong pulis na may magkahiwalay na kaso ng rape at domestic violence …

Tacloban School Gun Shooting

Sa insidente ng pamamaril sa Tacloban
3 ESTUDYANTE NAPASLANG 20 PA NASAKTAN, SUGATAN
40 basyo ng bala nakuha sa crime scene

HATAW News Team TATLONG kabataang estudyante ang napaslang habang umakyat na sa 20 ang iniulat …

Amenah Pangandaman DBM Money

PH No.1 sa budget transparency – IBS

NAPANATILI ng Filipinas ang pagiging numero uno pagdating sa budget transparency  sa buong Southeast Asia, …

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …