Thursday , June 4 2026
Anel Diaz Pamilya Ko Party List

Mas mura at mabilis na proseso ng diborsyo, itutulak sa kongreso ng Pamilya Ko Party List

TAHASANG sinabi ng Pamilya Ko Party List na kanilang isusulong sa Kongreso ang mura at mabilis na proseso ng diborsiyo sa sandaling sila ay palaring manalo ngayong May 12 2025 national and local elections.

Ayon kay first nominee Atty. Anel Diaz, top 1 bar topnotcher noong 2003 ng Pamilya Ko Party List isa ito sa  mga adbokasiya ng grupo kung kaya’t nais nilang makapasok sa Kongreso sa gaganaping halalan sa 12 Mayo 2025 midterm election.

Binigyang-linaw ni Atty. Diaz na maraming nagtangka na isulong ang diborsiyo sa Kongreso ngunit walang nagtagumpay dahil hindi malinaw kung anong pamamaraan at tamang sistema.

Napuna ni Diaz, sa mga nagsulong ng diborsiyo sa Kongreso tila kinopya lamang ang version ng legal separation at annulment na tila naging pahirap pa sa mga dating mag-asawa para magkaroon ng payapang buhay.

Binigyang-linaw ni Diaz, na bagamat tutol dito ang simbahang Katoliko, umaasa siyang mauunawaan nila ang kanilang adbokasiya upang sa ganoon ay magkaroon ng kalayaan ang isang mag-asawang hindi na nagiging mayabong pa ang pagsasama.

Aminado si Diaz na bagamat bago silang partylist ay umaasa silang pagkakatiwalaan ng taong bayan na maupo sa kongreso at makapaglingkod sa sektor na kanilang kakakatawin sa mga modern Filipino arrangement na LOVABLES na ang ibig sabihin ay live-in partners, OFW families, mga biktima ng domestic abuse, adoptive families, blended families, LGBTQIA union, extended & elderly, solo at/o single parent.

Kaugnay nito, nagsagawa ng house-to-house campaign ang Pamilya Ko Party List sa San Andres, Maynila upang ipaalam sa mga botante ang kanilang layunin at plano para sa bawat pamilya.

Naging mainit ang pagtanggap ng mga mamamayan ng San Andres sa grupo kasunod ang kanilang pagkilala nang lubusan sa kung ano ang magagawa nito para sa kanilang mga pami-pamilya.  (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …