MAKIKITA rin sa larawan ang mukha ng salarin na si Jose Antonio San Vicente, 35 anyos nahaharap sa kasong frustrated murder dahil sa naganap na insidente.
Read More »WCEJA pararangalan mga kilalang bituin, politiko, socmed influencer, at pilantropo
BIBIGYANG pagkikilala ang mga personalidad sa larangan ng entertainment, tri-media & social media, politics, unsung heroes, at philanthropist ng Japan-based award-giving body na World Class Excellence Japan Award(WCEJA) sa Heritage Hotel, Pasay City sa June 15, 2022. Dalawang taong hindi nakapagbigay-parangal ang WCEJA dahil sa Covid-19. Taon-taong ginagawa ang pagpaparangal sa mga achiever sa Japan at Pilipinas sa pamumuno ng multi-awarded singer, composer, …
Read More »Persona non grata kina Ai Ai at Darryl pwedeng bawiin; We just want a sincere apology — Lagman
POSIBLENG mapawalang bisa ang ipinataw na parusang “persona non-grata” kina Ai Ai delas Alas at VinCentiments director Darryl Yap kung maglalabas sila ng sincere public apology, ito ang iginiit kahapon ni QC District IV Councilor Ivy Lagman. Martes, June 7 nang inaprubahan ang inihaing resolusyon ni Lagman na nagdedeklara ng persona non-grata sa dalawa. Ito ay dahil sa inilabas na campaign video na idinirehe ni Darryl noong …
Read More »Paolo Sandejas magiging bahagi ng GMAs sa Taiwan
NAPILI ang singer-songwriter na si Paolo Sandejas na representative ng Pilipinas sa GMA (Golden Melody Awards) na taunang ginaganap sa Taiwan. Ngayong taon, siya lamang ang Filipino artist ang napili sa awards spectacle na ito na magaganap sa Hunyo 24 to 26, 2022. Ayon kay Paolo, excited siyang ibahagi ang kanyang musika at mga orihinal na kanta sa Asian music scene. Ibinahagi niya rin ang …
Read More »
‘Homemade’ dinamita sumabog
MANGINGISDA PATAY, 2 PA SUGATAN
PATAY ang isang mangingisda habang sugatan ang kanyang dalawang kasama matapos sumabog ang isang ‘homemade’ na dinamitang ginagamit nila sa pangingisda sa bayan ng Sto. Niño, lalawigan ng Samar, nitong Martes ng umaga, 7 Hunyo. Kinilala ang biktimang si Emiliano Davila, 40 anyos, at mga sugatan niyang pinsang sina Rolan, 28 anyos, at Jorgie, 31 anyos, nangisda sa dagat na …
Read More »
Sa Ormoc,Leyte
DELIVERY BOY NG ISDA PATAY SA PAMAMARIL
BINAWIAN ng buhay ang isang lalaki nang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa Brgy. Libertad, lungsod ng Ormoc, sa lalawigan ng Leyte, nitong Huwebes ng umaga, 9 Hunyo. Kinilala ang biktimang si Crisanto Pescador, 44 anyos, delivery boy ng isda. Ayon sa imbestigador ng kasong si P/Cpl. Mark Jun Caballes, nagmamaneho ng kanyang tricycle ang biktima upang maghatid ng …
Read More »Bago naikalat sa Sta.Maria, Bulacan P93.6-K ‘omads’ nasabat, 8 timbog
Ayon sa bagong NSA
RED-TAGGING VS MILITANTE ‘PANINIRANG-PURI’ — CARLOS
WALANG puwang kay incoming National Security Adviser Clarita Carlos ang red-tagging o pagmarka sa isang tao o organisasyon bilang komunista dahil aniya’y paninirang-puri lang ito at pag-aaksaya ng oras. Sinabi ni Carlos, ang red-tagging ay isang tamad na pamamaraan para bansagan ang isang tao na walang kasamang paliwanag at hindi nabibigyan ng tsansang ipagtanggol ang sarili lalo sa social media. …
Read More »Abandonado at kompiskado P4.6-M ‘KONTRABANDO’ ‘TINUNAW’ NG BOC-NAIA
SA PAGSISIKAP ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (BoC-NAIA), na tiyaking lahat ng bodega at pasilidad sa Port of NAIA ay makapagbigay ng akomodasyon sa mga parating na importasyon, nagsagawa ang ahensiya ng kondemnasyon sa maraming abandonado at kompiskadong kargamento na tinatayang nasa P4.605 milyones ang halaga. Kabilang dito ang iba’t ibang produkto gaya ng expired at …
Read More »INDEPENDENCE DAY AT FATHER’S DAY CELEBRATION SA ROBINSONS PLACE NOVALICHES, QC.
Ang Robinsons Place Novaliches ay magdiriwang ngayong buwan ng dalawang espesyal na okasyon: ang Philippine Independence Day sa 12 Hunyo at ang Father’s Day sa 19 Hunyo. Bilang pagpupugay sa lahat ng mga naging bayani sa ating buhay, ang FilArts, isang non-stock organization na dedikado sa pagsusulong ng sining at kultura ng Filipinas katuwwang ang Artablado para sa natatanging art …
Read More »Umuwing Pinay patay sa saksak ng kaalitan sa lupa
ISANG overseas Filipino worker (OFW) na umuwi sa bansa para ayusin ang problema sa lupa ang namatay nang pagsasaksakin ng isang lalaking kaalitan sa lupa sa Lucena City, Quezon. Sa ulat ni John Consulta sa “24 Oras” nitong Martes, sinabing pauwi mula sa tanggapan ng barangay ang 56-anyos biktimang si Elena Alzaga, at kaniyang pamilya matapos dumalo sa pag-uusap tungkol …
Read More »Mt. Bulusan nag-iwan ng 260 bakwit
UMABOT sa 260 indibidwal ang iniulat na bakwit ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Martes, 7 Hunyo, sa pagputok ng bulkang Bulusan na hanggang ngayon ay nakasilong sa evacuation center sa lalawigan ng Sorsogon. Ayon sa tagapagsalita ng NDRRMC na si Mark Timbal, pansamantalang nananatili ang mga evacuees sa Brgy. Tughan, sa bayan ng Juban, dahil …
Read More »
Sa Kalibo, Aklan
LADY MANAGER NATAGPUANG PATAY SA LOOB NG PAWNSHOP
WALA nang buhay ang manager ng isang sanglaan nang matagpuan ng kanilang security guard sa loob ng establisimiyento, na sinaksak ng isa pang guwardiya sa bayan ng Kalibo, lalawigan ng Aklan, nitong Lunes, 6 Hunyo 2022. Nagkasa ng manhunt operation ang mga tauhan ng PRO-6 PNP nitong Martes, 7 Hunyo, upang masukol ang sekyung hinihinalang sumaksak sa biktima sa loob …
Read More »Bicol airports ligtas sa Bulkang Bulusan
HINDI naapektohan ang mga paliparan sa Bicol Region ng pagsabog ng bulkang Bulusan. Kinompirma ito ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) matapos magbuga ng volcanic ash at sumabog (phreatic eruption) ang Mt. Bulusan sa Sorsogon province. Kabilang sa mga airport sa Bicol Region na nasa ilalim ng pangangaiswa ng CAAP ay ang Bulan Airport, Sorsogon Airport, Daet Airport, …
Read More »Krisis sa enerhiya pinangambahang maulit — Ranque
NAGBABADYA ang panibagong yugto naranasan sa mahigit tatlong dekada na ang nakakalipas, bunsod ng nakaambang krisis sa enerhiya sa pagsapit ng susunod na taon. Inamin ito ni Energy Undersecretary Benito Ranque, kasabay ng paalalang kailangan ang agarang pagkilos ng susunod na administrasyon sa pamumuno ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr., upang maibsan ang perhuwisyo dahil sa kakapusan ng supply ng koryente. …
Read More »Gwendolyne Fourniol itinanghal na Miss World Philippines 2022
KINORONAHANG Miss World Philippines 2022 si Gwendolyne Fourniol ng Negros Occidental sa katatapos na grand coronation night ng pageant sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Tinalo ni Gwendolyne ang 35 iba pang kandidata mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Si Gwendolyne ang papalit sa trono ni Tracy Maureen Perez na magiging official representative ng Pilipinas sa gaganaping 71st edition ng Miss World pageant. Ang iba pang …
Read More »5 sabungero, nadakma sa tupada
ARESTADO ang limang sabungero matapos salakayin ng pulisya ang isang ilegal na tupadahan sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Kinilala Malabon City police chief Col. Albert Barot ang mga naaresto bilang sina Roger Versoza, 52 anyos, Lucky Barizo, 25 anyos, Elvin Austerio, 42 taong gulang, Eduardo Yanga, 47 anyos at Zaldy Alianciano, 44 anyos na pawang residente ng Brgy. Catmon …
Read More »
Manok na panabong tinangay
BINATILYO SINAKSAK SA NEGROS OCCIDENTAL
Sugatan ang isang menor de edad na lalaki matapo saksakin ng isang tricycle driver na sinasabing nakahuli sa kanyang nagnakaw ng mga manok na panabong sa Sitio Tuyuman, Brgy. Caradio-an, lungsod ng Himamaylan, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Linggo, 5 Hunyo. Ayon kay P/Lt. Markelly Laganipa, deputy chief ng Himamaylan CPS, binabantayan ng biktimang kinilalang si Regie Castino, 33 anyos, …
Read More »
Metro Manila Turf Club, Inc.
Race Results & Dividends
Sabado (June 4, 2022)
R 01 – PHILRACOM RBHS CLASS 5 ( 6-10 SPLIT ) Winner: NASAYONA ANGLAHAT (8 ) – (J L Paano) Catastrophe (usa) – You Got It All R L Santos – BJ S Lorenzo Finish: 8/1/3/7/5/2 P5.00 WIN 8 P16.50 P5.00 FC 8/1 P68.00 P5.00 TRI 8/1/3 P305.50 P2.00 QRT 8/1/3/7 P716.40 P2.00 PEN 8/1/3/7/5 P4,716.80 P2.00 SIX 8/1/3/7/5/2 P2,275.60 …
Read More »Manila, Isabela tinalo ng Laguna sa PCAP online tournament
NAGPAKITA ng tikas ang Laguna Heroes sa 2022 Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) online tournament pagkaraang magrehistro ng dalawang sunod na panalo sa Northern division na virtually na ginanap sa Chess.com Platform nung Sabado. Galing sa impresibong panalo sa San Juan Predators at sa Olongapo Rainbow Team 7 ay naidiretso ng Heroes ang kanilang ‘winning moves’ nang gibain …
Read More »SEAG Dancesport Champions panauhin sa PSC Rise Up Shape Up
PATULOY na ipinadiriwang ng Philippine Sports Commission (PSC) ang tagumpay ng national team sa katatapos na 31st Southeast Asian Games na ginanap sa Hanoi, Vietnam. Ang espesyal na episode ng PSC’s ‘Rise UP! Shape Up! nung sabado na may titulong Step Forward with Steph” ay tampok ang SEA Games award-winning dancesport duo nina Stephanie Sabalo at Michael Angelo Marquez. Sa webisode …
Read More »500 kalahok tumanggap ng PSC Para Sports coaching
LIMANG-DAAN na kalahok ang tumanggap ng ‘coaching lectures’ sa para-powerlifting, para-badminton, para-cycling, football 5-a-side at sitting volleyball sa ikalawang edisyon ng Philippine Sports Commission Para Sports Coaching Webinar Series. Ang limang araw ng coaching program na nagsimula noong Lunes ay nakasentro sa coaches at expert practitioners na nagbahagi ng fundamental coaching at ekperyensa sa limang para sport disciplines, sa pakikipagtulungan …
Read More »P20-M nakataya sa Asian Poker Championship
NAKATAYA ang garantisadong P20 milyon premyo sa local poker enthusiasts at ang pagkakataon na makaharap ang ilan sa pinakamahuhusay na poker professional players sa bansa sa gaganaping Asian Poker Championship main draw sa Hunyo 6-12 sa Metro Card Club sa Metrowalk, Pasig City. Ipinahayag ni Marc Rivera, miyembro ng organizing MCC at maituturing na isa sa pinakamatagumpay na Pinoy poker …
Read More »Haney tinanggalan ng korona si Kambosos
TINANGHAL na ‘undisputed lightweight champion’ si Devin Haney kahapon sa Marvel Stadium sa Melbourne, Australia nang talunin niya via unanimous decision si George Kambosos. Ginamit ni Haney (28-0, 15 KOs) ang kanyang ekselenteng jab para idikta ang takbo ng laban para mapabilib ang tatlong hurado sa iskor na 116-112, 118-110 at 116-112. Ngayon, ang 23-year-old mula Las Vegas ay kinabig …
Read More »
Ibinebenta sa Cagayan de Oro
4 LALAKI ARESTADO SA P15-M PEKENG BARA NG GINTO
NASAKOTE ang apat na lalaking nagbebenta ng pekeng gold bars sa ikinasang entrapment operation sa Capistrano Complex, Brgy. Gusa, lungsod ng Cagayan de Oro, nitong Sabado, 4 Hunyo. Kinilala ng Cagayan de Oro CPS ang mga suspek na sina Rey Naranjo, 58 anyos; Junalie Licawan, 58 anyos; Jerson Liquinan, 28 anyos; at Jimwel Homonlay, 33 anyos. Nabatid na mayroong isang …
Read More »