Thursday , June 4 2026
Sandro Muhlach Niño Muhlach Atty Czarina Raz

Sandro naghain ng rape, acts of lasciviousness

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAGSAMPA na ng kaukulang kaso si Sandro Muhlach sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) laban sa dalawang GMA independent contractors na sina  Jojo Nones at Richard “Dode” Cruz.

Nagtungo si Sandro kasama ang amang si Nino Muhlach sa DOJ para maghain ng reklamong rape through sexual assault laban sa dalawang writer ng Kapuso Network.

Kasama rin nilang nagtungo sa DOJ ang kanilang abogado at ilang tauhan ng National Bureau of Investigation sa pagsasampa ng kaso. Unang naghain ng complaint si Sandro sa NBI na siyang nagsagawa ng paunang imbestigasyon sa kaso.

Kasama rin daw nina Sandro at Niño ang dalawang saksi na sinasabing magpapatunay sa umano’y ginawang panghahalay sa Sparkle artist.

Finally, umabot na kami sa araw na ito na we’re finally filing a case and onwards.

“Siyempre magkakaroon na ng mga court hearing and siguro soon makakamit namin ‘yung justice, which Sandro deserves,” positibong pahayag ni Niño sa panayam ng media.

Parang nakalulluwag sa dibdib dahil umabot na tayo sa araw na ito. Ang bigat kasi nakikita mo ‘yung anak mo araw-araw na nagsa-suffer, ‘di makakain, di makatulog,” pagbabahagi pa ni Nino.

Sinabi naman ng legal counsel ni Sandro na si Atty. Czarina Raz, bukod sa kasong rape, sinampahan din nila ng multiple counts of acts of lasciviousness ang dalawang independent contractors ng GMA.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …