ISANG 6-anyos batang babae ang iniulat na namatay habang 18 iba pa ang sugatan nang yanigin ng magnitude 6.9 lindol ang lalawigan ng Davao del Sur dakong 2:11 pm kahapon, 15 Disyembre. Kinilala ang batang binawian ng buhay na si Cherbelchen Imgador, natamaan ng nahulog na debris nang hindi agad makalabas ng kanilang bahay sa Barangay Asinan, bayan ng Matanao, …
Read More »Traslacion ng Black Nazarene hindi ligtas sa Jones Bridge
HINDI ligtas sa Jones Bridge ang Traslacion ng Black Nazarene, sa malalapit na kapistahan nito sa 9 Enero 2020. Ayon kay MPD Director P/BGen. Bernabe Balba, puspusan ang paghahanda ng pulisya, at mga kinatawan ng Minor Basilica of the Back Nazarene sa Quaipo upang mapaghandaan nang mabuti ang isasagawang Traslacion. Nabatid, iibahin ang ruta ng prusisyon at maaari itong paraanin …
Read More »Christmas wish ng consumers: “End costly, dirty electricity!”
KASUNOD ng mga kritisismo na ibinato kay Pangulong Rodrigo Duterte ng pribadong “water concessionaires” nitong nakaraang Linggo, nagsagawa ng kilos protesta ang mga kababaihan upang himukin ang pamahalaan na tuldukan ang mahal at maruming enerhiya sa bansa. Ang kilos protesta ay pinangunahan ng Progressive Women’s group Oriang, na bawat isa ay nagdala ng tig-kakalahating pagkain na pang-Noche Buena na kadalasang inihahain …
Read More »Iloilo Globe GoWiFi site na
KAUGNAY sa pagtutulak na pabilisin ang digital transformation ng Filipinas, sinelyohan ng Globe ang isa pang milestone partnership sa pamamagitan ng GoWiFi services nito — sa pagkakataong ito ay sa local government ng Iloilo City. Ang partnership ay pinormalisa sa pamamagitan ng paglagda sa isang memorandum of agreement (MOA) noong nakaraang 5 Disyembre sa Iloilo City Hall. Ang seremonya ay …
Read More »Mas mahal ko ang paggawa ng pelikula kaysa tropeo — Aga Muhlach
SI Aga Muhlach ang bida sa pelikulang Miracle In Cell No. 7, mula sa Viva Films at sa direksiyon ni Nuel Naval. Gumaganap siya rito bilang isang mentally ill father. Anak niya rito si Xia Vigor. Isa ito sa walong pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival 2019. Umaasa ba si Aga na magiging malakas sa takilya ang pelikula, na isa ito sa mga pipilahan sa walong pelikulang kasali …
Read More »SEA Games overall champ, galing ng Pinoy, lumutang… “WE WON AS ONE”
DETERMINADONG atletang Pinoy, masikap na administrasyong Duterte, at hindi sumusukong Philippine South East Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) sa pamumuno ni House Speaker Alan Peter Cayetano at iba pang sports officials, natupad ang pangarap ng sambayanang Filipino na makuha ang korona sa patapos na 30th Southeast Asian (SEA) Games. Pormalidad na lamang ang hinihintay bago opisyal na itanghal bilang overall …
Read More »Mayorya ng mga Pinoy nababahala… Chinese workers banta sa seguridad
MARAMING Pinoy ay nababahala sa paglobo ng bilang ng Chinese workers sa bansa, na ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) — 52 percent ng respondents — ay naniniwalang banta sa pambansang seguridad ang mga nasabing dayuhan. Sa nationwide poll na isinagawa noong 27-30 Setyembre 2019 sa 1,800 adults, lumitaw na 70 percent ng mga Pinoy ay naaalarma …
Read More »TRO inihain ng consumers safety group… Pasahero delikado sa nagsulputang motorcycle taxis
ISANG commuters safety advocacy group ang naghain ng petition for injunction with application for a temporary restraining order (TRO) laban sa limang motorcycle taxi groups na wala umanong experience at walang track record para mamasada. Binigyang-diin ng grupo na malaking banta ito sa kaligtasan ng mga pasahero at ng publiko. Ayon kay dating QC councilor Atty. Ariel Inton, ng Lawyers …
Read More »Sa hosting ng SEA Games… Delegadong dayuhan hats off sa PH
PATULOY na umaani ng papuri at pasasalamat mula sa sports officials at atletang dayuhan ang pagho-host ng Filipinas sa 30th SEA Games. Partikular dito ang pag-iral ng pusong Pinoy kahit kapalit nito ang siguradong pagkapanalo ng gintong medalya. Todo-todo ang pasasalamat ng Indonesian Sports officials sa Filipinas lalo sa Pinoy surfer na si Roger Casugay matapos niyang iligtas ang karibal …
Read More »PH humahakot ng gold… Duterte super saya sa SEA Games
PINAPURIHAN ni Pangulong Duterte ang opening night ng South East Asian games o SEA Games kasama na ang lahat ng grupo at indibidwal na nasa likod nito. Lalo pang natuwa ang pangulo nang humakot agad ng 23 gold medals ang Pinoy athletes sa unang araw ng kompetisyon noong Linggo at patuloy na namamayagpag kahapon. Kabilang sa pinapurihan ng Pangulo ang organizers, performers …
Read More »Ping ‘pa-victim’ sa ‘fake news’ — PHISGOC
TINIYAK ng organizers ng Southeast Asian Games (SEA) Games na bawat pisong ginastos para sa hosting ng Filipinas sa palarong ito ay walang bahid ng iregularidad, maayos at sumusunod sa mga patakaran ng Commission on Audit (COA). Ayon kay Ramon Suzara, chief operating officer ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC), mali ang ginawang pagkokompara ni Sen. Panfilo “Ping” …
Read More »Nakaprotestang mga balota nawawala… Kampo ni Lino Cayetano magnanakaw ng boto?
PINAIIMBESTIGAHAN sa Commission on Elections (COMELEC) ang pagkawala ng mga balota na nakalagak sa Taguig City Hall auditorium na sakop ng isang election protest laban kay Taguig Mayor Lino Cayetano. Ang ilegal na paglilipat ng nakaprotestang balota ay pinaniniwalang isang desperadong hakbang ng kampo nina Cayetano dahil sa lumutang na ebidensiyang magpapatunay sa naganap na malawakang dayaan sa nakaraang halalan …
Read More »PECO natuwa sa desisyon ng Iloilo RTC
SA NAKALIPAS na weekend, pinilit ng regional trial court (RTC) ng Iloilo na isuspendi ang expropriation proceedings na isinampa ng MORE Electric and Power Corporation (MORE) sa panukalang kunin ang mga pasilidad ng Panay Electric Company (PECO). Ang suspension order ay dumating sa gitna ng kabiguan ng MORE na makakuha ng kanais nais na desisyon mula sa Supreme Court na …
Read More »Bagong Jones Bridge, pinasinayaan ni Yorme
PINANGUNAHAN ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ang inagurasyon ng bagong mukha ng William A. Jones Memorial Bridge o Jones Bridge, na nag-uugnay sa Binondo, Ermita at Intramuros, kagabi, araw ng Linggo. Sa kanyang talumpati, sinabi ni Moreno, ay kaunting alaala na pamana sa ating bansa na dapat pangalagaan at pahalagahan. Pinasalamatan ng alkalde ang lahat na mga nagsikap at …
Read More »Chevron sumailalim sa fuel marking
SUMAILALIM na rin ang Chevron sa fuel marking sa Bureau of Customs (BoC) at SICPA SA-SGS Philippines. Ang live fuel marking ng Chevron Philippines Inc. (CPI), marketer ng Caltex brand ng mga top-quality fuels, lubricants, at petroleum products, ay isinagawa kamakailan sa kanilang import terminal sa San Pascual, Batangas. Dahil dito, ang CPI na ang naging kauna-unahan sa tinaguriang “Big …
Read More »Agarang suspensiyon ng barangay officials hiniling ng abogado
HINILING kahapon ng isang manggagawang nagde-deliver ng mga feeds para sa mga manok sa Hermosa, Bataan, sa pamamagitan ng kanyang abogado, ang agarang suspensiyon ng kapitan ng barangay at ng ilan pang opisyal ng konseho sa Barangay Bacong, batay sa akusasyon na pinaboran nila ang isang negosyante sa nasabing bayan. Ang kahilingan ay ginawa ni Gecel Pineda Alba, batay sa …
Read More »PECO sanhi ng 1,464 sunog sa Iloilo — BFP
UMABOT sa 1,464 sunog o 50% ng 2,887 ng naitalang sunog sa Iloilo City ay sanhi ng electric poles ng distribution utility na Panay Electric Company (PECO), ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP). Inamin ito ng BFP sa kanilang ulat sa Energy Regulatory Commission (ERC) na kalahati ng mga naitatalang sunog sa Iloilo City ay sanhi ng electric poles …
Read More »P.3-M shabu kompiskado sa drug suspect (4 drug pusher huli sa P54K shabu)
NASAKOTE ang tinaguriang top 1 most wanted sa lungsod at nakuha rin ang higit P300,000 halaga ng ilegal na shabu nitong Martes ng gabi, sa isinagawang buy bust operation ng mga tauhan ng Parañaque city police. Kinilala ng pulisya ang inarestong suspek na si Rock Daniel Diocareza, alyas Loloy, 38, walang trabaho, residente sa Tramo St., Irasan Creekside, Barangay San Dionisio. …
Read More »P5.7-M shabu nakuha sa 3 tulak sa Maynila
ARESTADO ang tatlong drug personalities kabilang ang isang babae sa buy bust operation kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila. Nasabat mula sa suspek na sina Anowar Mocamad, Tato Amiril, at Fatima Garcia, ang P5.7 milyong halaga ng shabu o katumbas ng 850 grams, buy bust money na P16,000 at tatlong cellphones. Ayon kay MPD director P/BGen. Bernabe Balba, mula …
Read More »Ramon Tulfo nagpiyansa sa 2 kasong libel at cyber libel (Nakabinbing kaso, marami pa)
WALANG nagawa ang kolumnistang si Ramon Tulfo kundi ang maghain ng piyansa para sa kasong libel at cyber libel na isinampa laban sa kanya ni Executive Secretary Salvador Medialdea. Sa order noong 8 Nobyembre 2019, pirmado ni Manila Regional Trial Court Branch 12 Judge Renato Enciso, naglagak ng piyansang P60,000 si Tulfo upang maiwasang makulong habang dinidinig ang kaso. Sa …
Read More »Bandalismo sa underpass sa Maynila kinondena
MARIING kinondena ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang bandalismo sa ilang underpass sa Maynila na naunang nilinis at pininturahan ng mga tauhan ng city hall. Ito’y matapos mag-viral sa social media ang larawan ng bandalismo na sinasabing kagagawan ng mga miyembro ng grupong Anakbayan. Ayon sa Manila Tourism & Cultural Affairs Bureau (MTCAB), nakalulungkot na sa ganitong paraan ipinararating …
Read More »Mayor Isko nabuwisit, Ylaya vendors binawalan (Desmayado at eksasperado sa basura)
TULUYANG ipinagbawal ni Mayor Francico “Isko Moreno” Domagoso ang pagtitinda ng mga vendor na may sidewalk stalls sa Ylaya St., sa Divisoria dahil sa kawalan ng pagpapahalaga sa paglilinis ng kanilang mga basura. Tahasang ipinadama ni Mayor Isko ang eksasperasyon at pagkadesmaya sa kanyang nakitang nagkalat na basura sa sorpresang inspeksiyon kahapon ng madaling araw. Kahapon ng madaling araw, sorpresang …
Read More »Dispersal sa RFC picket line marahas, 4 sugatan, 23 arestado
SUGATAN ang apat katao habang 23 ang inaresto sa marahas na dispersal ng picket line sa pabrika ng Regent Foods Corporation (RFC) sa lungsod ng Pasig nitong Sabado ng umaga, 9 Nobyembre. Sumiklab ang karahasan dakong 9:00 am nang i-disperse ng mga guwardiya ng RFC ang mga nagpoprotestang trabahador ng snack manufacturer para sirain ang picket line sa Jimenez St., …
Read More »Gaano kadali magkaroon ng sariling bahay sa BRIA Homes?
SA PANAHON NGAYON, marahil hindi kapani-paniwala para sa karamihan kung sasabihing kayang-kayang ng ordinaryong manggagawa magkaroon ng sariling bahay. Kadalasang isinasantabi na lamang nila ang pangarap na magkaroon ng sariling tirahan para sa pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, koryente, edukasyon at iba pa. Gayon pa man, nananatiling pangarap ng maraming Filipino ang magkaroon ng maayos na espasyo para sa kanilang …
Read More »US Embassy sarado sa 11 Nobyembre
SARADO sa publiko ang United States Embassy sa Filipinas at konektadong mga tanggapan sa Lunes, 11 Nobyembre. Bilang pag-obserba sa Veterans Day, itinakda itong pista opisyal o holiday sa Amerika. Balik normal ang operasyon ng Embahada at mga konektadong opisina sa Martes, 12 Nobyembre. Ang Veterans Day ay taunang ginugunita ng Amerika tuwing 11 Nobyembre. Ito ang araw ng unang bakbakan …
Read More »