Monday , November 29 2021
dead gun police

Sa Negros Occidental
KABIBIYUDANG EMPLEYADO NG CITY HALL TODAS SA BOGA NG TANDEM

ISANG bagong biyudang empleyado ng city hall ang namatay nang barilin ng dalawang hindi kilalang suspek sa Brgy. Palampas, lungsod ng San Carlos, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Lunes, 18 Oktubre.

Kinilala ang napaslang na biktimang si Maria Elena Peque, 40 anyos, residente sa Brgy. 2, sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay P/Lt. Ruby Aurita, deputy chief ng San Carlos City Police Station, nakasakay si Peque sa tricycle patungong City Hall nang sundan at paputukan ng mga suspek.

Idineklarang “dead on arrival” sa pagamutan si Peque dahil sa tama ng bala ng baril sa kanyang tainga.

Ani Aurita, tinitingnan nilang posibleng motibo ng pamamaslang ang hidwaan sa lupa, dahil napatay rin umano ang asawa ng biktima ngayong taon.

About hataw tabloid

Check Also

5 tulak nakalawit
DRUG DEN NABUWAG SA SUBIC

ARESTADO ang limang drug suspects habang nabuwag ang isang hinihinalang drug den ng mga awtoridad …

Driver sugatan sa ambush
KANDIDATONG KONSEHAL, 1 PA TODAS

PATAY sa pamamaril ng mga hindi kilalang suspek ang isang kumakandidatong konsehal at ang kanyang kasama …

300 bahay naabo sa Cebu

NATUPOK ang hindi bababa sa 300 bahay nang sumiklab ang sunog sa Brgy. Mambaling, sa lungsod …

Paslit na anak minolestiya
ng maelyang ama

HINDI na nakapagpigil  ang isang maelyang ama at pati ang sariling anak na 4-anyos ay ‘pinaglaruan.’ Naaresto …

Binata sinaksak ng tiyuhin sa QC

MALUBHANG nasugatan ang isang binata makaraang saksakin ng tiyuhin dahil sa matagal nang alitan na naungkat …