Thursday , June 4 2026

Exclusive: Pinay sa Kuwait patay sa ‘sadiki’ bday girl nag-suicide (Nalason sa selebrasyon)

101821 Hataw Frontpage

HATAW News Team

ISANG 26-anyos overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait ang na-comatose hanggang tuluyang mamatay dahil sa pag-inom ng ‘Sadiki’ sa pinuntahang birthday party ng isang kababayan sa Kuwait.

Pero hindi dito nagtapos ang trahedya, nang nabatid na namatay ang kanyang bisita, uminom ng ‘alcohol’ ang Pinay na may kaarawan, sa takot na hulihin ng Kuwait police, pagmul­tahin, parusahan, at ikulong sa nasabing bansa.

Sa ulat na nakalap ng HATAW News Team, kinilala ang comatose na OFW sa alyas na Joy, dalawang taon nang nagtatrabaho sa isang salon, may-asawa, at  tatlong anak.

Matatapos ang kon­tra­ta ni Joy sa darating na Enero 2022 at maaari nang umuwi sa bansa, ngunit pinili niyang mag-extend ng kontrata para maka­ipon pa ng pandagdag sa pagpapagawa ng kani­lang bahay.

Samantala, ang birthday girl, kinilala sa alyas na Jam, isa sa mga nagsuka kaya nakaligtas sa kamatayan, ngunit nang malaman niyang namatay si “Joy” ay piniling magkitil ng sariling buhay sa pama­magitan ng pag-inom ng alcohol para takasan ang kamay ng mahigpit na batas sa Kuwait.

Sa hindi pa opisyal na ulat, nabatid na noong nakaraang Lunes, 11 Oktubre, gaya ng nakaugalian, inimbita ng birthday girl na si “Jam” ang mga kasamahan at kaibigan na nagtatrabaho sa salon para magkaroon ng kainan at kaunting inuman.

Dakong 6:00 pm, bago umano pumunta sa birthday celebration, tumawag muna si “Joy” sa kanyang nanay, araw-araw niya itong ginagawa mula nang magtrabaho sa Kuwait, at ipinaalam na pupunta siya kina Jam para sa maliit na handaan.

Ngunit, iyon na pala ang magiging huling tawag ni “Joy” sa kanyang pamilya dahil kina­bukasan, araw ng Martes hanggang Miyerkoles, nagtaka ang kanyang ina kung bakit hindi siya makontak.

Noong araw ng Huwebes, 14 Oktubre, nagpasya ang  ina ni Joy na tawagan ang isa pa niyang kasamahan na kinilalang isang alyas Angie, at doon nila nabatid na naospital ang kanyang anak dahil na-comatose sa pag-inom ng Sadiki kaya dalawang araw na-confine sa ospital ngunit hindi nakaligtas sa kamatayan.

Si alyas Angie ay hindi nakapunta sa birthday party.

Habang ang ibang bisita sa birthday celebration, kabilang ang isang alyas Anne, ay nagawa umanong sumu­ka kaya hindi nadamay sa pagkalason.

Hindi na rin nag­paospital ang mga nagsuka, sa takot na sila ay maimbestigahan.

Sa huling komunika­syon ng pamilya, nabatid na ibibiyahe ang bangkay ng mga biktima, pauwi sa bansa.        

Ang Sadiki, ayon sa ilang OFW, ay isang uri ng ‘homemade’ na inumin na mayroong alcohol. Ipinag­babawal sa mga bansang nagpapraktis ng Islam o Muslim countries ang pag-inom ng alcohol.

Tinatawag din itong ‘Pacquiao’ ng mga Pinoy dahil kapag tinamaan ang uminom ay tiyak mana-knockout. Ang kaigihan lang umano nito, walang hangover.

Kapag nahuling umi­nom ang mga Pinoy o ibang lahi sa mga ban­sang Muslim, gaya ng Kuwait, sila ay mag­mumulta ng malaking halaga, maka­raranas ng 500 hagupit ng latigo o higit pa, at ikukulong bilang parusa.

Ang Sadiki ay mula sa salitang Sadik ng mga Arabo na ang ibig sabihin ay kaibigan. Noong 2018 at wala pang pandemya, nabibili ito sa halagang 80 hanggang 100 Saudi Arabian Riyal (SAR) kada 750 ml o P1,500 sa ating salapi kada isang litro (1000 ml).

Karamihan umano ng nagbebenta nito ay mga Indiano o Bombay kaya mas madalas tawagin na Indian wine.

Maraming kaso ng pagkalason sa Sadiki ang naiulat kaya ilan ang nagpapayo na kung iinom nito, kumuha ng isang kutsara saka silaban. Kapag asul o blue ang kulay ng apoy, ito ay ligtas, pero kapag dilaw o berde, delikado.

Sabi nga, “baka diesel na ‘yan.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …