Sunday , March 16 2025
Vietnam SEA Games

Vietnam SEA Games tuloy sa Mayo 2022

PAGKARAANG ma-postponed ang Vietnam SEA Games na mangya­yari sana mula 21 Nobyem­bre hanggang 2 Disyembre ng  kasalukuyang taon, itutuloy ito sa Mayo 2022.

Ang nasabing balita ay tiniyak ng Vietnam organizers sa nangyaring online meeting ng SEA Games Federation na nilahukan ng mga bansang miyembro ng pederasyon.

Hindi ilalarga ang 31st SEA Games sa orihinal na petsa  sa kahilingan na rin ng Vietnam organizers dahil sa paglobo ng kaso ng CoVid-19  sa kanilang bansa.

Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president at Tagaytay City Rep.  Abraham “Bambol” Tolentino,  anomang araw ay ilalabas ng host country ang kompirmasyon ng eksaktong petsa ng biennial meet.

Nakatakdang ilabas ng Vietnam organizers ang mga guidelines na may kaugnayan sa pagsigwada ng 2022 SEA Games nang ligtas sa bagsik ng CoVid-19.

Defending champion ang Filipinas na dinomina ang 2019 SEA Games edition na lumarga sa bansa noong 30 Nobyembre hanggang 11 Disyembre.

About hataw tabloid

Check Also

Arra Corpuz WuNa Team Philippines

WuNa Team Philippines kumolekta ng 45 golds sa Hong Kong wushu tourney

Tila nasa alapaap pa rin ang Wushu Arena Quezon City (WuNa Team Philippines) matapos mapanalunan …

Buhain PAI Swim

PAI youth swimming program sa Southern Tagalog tampok sa Buhain Cup

MAHIGIT 300 swimmers mula sa mga inimbitahang paaralan, member club, at local government units (LGUs) …

SM Active Hub 1

30,000 katao sinalubong ang launch ng SM Active Hub
Pinakamalaking sports playground sa Pinas, sinimulan sa pickleball at running.

Opisyal nang inilunsad ng SM Supermalls ang SM Active Hub, ang pinakamalaking sports experience sa …

ArenaPlus PBA Feat

ArenaPlus presents PBA 49th Season Commissioner’s Cup Finals presscon

ArenaPlus, PBA concluding the 49th Season Commissioner’s Cup Finals press conference with a group photo. …

Caelan Tiongson BINI Aiah Arceta

BINI Aiah at PBA cager Caelan lumalalim ang friendship

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TO the rescue ang PBA cager na si Caelan Tiongson para kay BINI member Aiah. Nahati …