Thursday , December 2 2021
Shih Tzu Dog

Sa Bacolod
11 ASONG SHIH TZU PATAY SA SUNOG

KASAMA ang 11 asong Shih Tzu sa natupok ng apoy nang makulong sa isang silid nang masunog ang isang tatlong-palapag na gusali sa Tindalo St., Brgy. Villamonte, sa lungsod ng Bacolod, nitong Huwebes, 14 Oktubre.

Ayon kay Fire Chief Insp. Rodel Legaspi, city fire marshal, ilan sa mga aso ang nasa loob ng kanilang kulungan nang magsimula ang sunog pasado 11:00 ng umaga.

Sa imbestigasyon, nasa ibaba ng bahay ang mga may-ari nang maganap ang sunog na maaaring nagsimula sa isang depektibong outlet ng koryente na sinaksakan ng water heater.

Dagdag ni Legaspi, hindi naapektohan ang ibang bahagi ng gusali na gawa sa konkretong materyales.

Bukod sa mga namatay na aso, walang naiulat na nasaktan sa sunog na naapula dakong 12:10 pm.

Tinatayang nasa P100,000 ang halaga ng napinsalang bahagi ng gusali dahil sa sunog.

About hataw tabloid

Check Also

Derrick Monasterio, Ricky Martin

Derrick Monasterio pina-follow ni Ricky Martin ng Menudo

HATAWAN!ni Ed de Leon MUKHA nga yatang ang gusto nilang palabasin ay si Derrick Monasterio na ang pinaka-sexy …

Hataw Frontpage Bong Go umatras sa 2022 prexy race

Bong Go umatras sa 2022 prexy race

ni ROSE NOVENARIO             TINULDUKAN ni Sen. Christopher “Bong” Go ang kanyang ambisyong maluklok bilang susunod …

Sa Bulacan
MOTORNAPPER, 4 PUGANTE TIMBOG SA POLICE OPS

INARESTO ng mga awtoridad ang isang kawatan ng motorsiklo at apat na pugante sa magkakahiwalay …

Daniel Fernando Covid-19 Vaccine Bulacan

100K Bulakenyo target bakunahan
3-ARAW NATIONAL COVID-19 VACCINATION DAY SINIMULAN

SINIMULAN ng lalawigan ng Bulacan ang pagbabakuna sa mga Bulakenyo sa lahat ng sektor sa …

3 tulak tiklo sa droga (Sa Pasig) Edwin Moreno

Sa Pasig
3 TULAK TIKLO SA DROGA

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy …