MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang city level most wanted person na may kasong murder sa bisa ng warrant of arrest sa Brgy. Sulivan, lungsod ng Baliwag, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 11 Enero.
Ayon sa ulat mula kay P/Lt. Col. Jayson San Pedro, hepe ng Baliwag CPS, kinilala ang nadakip na suspek na si alyas Roffer, 28 anyos at residente ng nabanggit na barangay.
Dinakip ang suspek sab isa ng warrant of arrest para sa kasong murder na inisyu ni Presiding Judge Veronica A. Vicente–De Guzman ng Malolos City RTC Branch 9 na may petsang Enero 6, 2026, na walang inirekomendang piyansa.
Matapos ang pagkakaaresto, ipinaalam sa akusado ang kaniyang mga karapatang konstitusyonal at siya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Baliwag CPS para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.
Ang matagumpay na operasyon ay patunay ng tuloy-tuloy na pagtugis ng Bulacan PPO sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Angel 0, provincial director, laban sa mga wanted person at sa mahigpit na pagpapatupad ng batas upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan. (MICKA BAUTISTA)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com