Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Trillanes malayang nakalabas sa bansa (Patungo sa US, Europe)

NAKAALIS na ng bansa si Senator Antonio Tril­lanes lV kahapon mata­pos bigyan ng pahintulot ng korte ng Makati na makaalis ng bansa.

Mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1, sakay ng Eva Air via Taipei patungong Esta­dos Unidos ay umalis ang senador dakong 3:00 ng madaling-araw kaha­pon.

Nakalabas ng bansa si Trillanes makaraan pagbigyan ni Makati City Regional Trial Court (RTC), Branch 150 Judge Elmo Alameda ang kan­yang hiling na maka­biyahe papuntang Ameri­ca at Europa.

Ang senador ay nag­la­gak ng halagang P200,000 para sa travel bond.

Pansamantalang nakalalaya si Trillanes matapos maglagak ng piyansa dahil sa warrant of arrest at hold departure (HDO) na inisyu ng korte kaugnay sa kasong rebel­lion na may kinalaman sa Manila Peninsula Hotel Seige noong 2007.

Ito ay matapos mag­hain ng mosyon ang Department of Justice (DOJ) kaugnay sa pagba­wi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa amnestiya ng senador.

Hiniling sa korte ng abogado ni Trillanes na si Atty.  Reynaldo Robles, na payagan ang senador na makadalo sa ilang events  sa California, Washington DC, Mary­land, USA, Amsterdam, Barcelona at London mula 11 Disyembre 2018 hanggang 12 Enero 2019.

 (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

Arrest Shabu

Parang kendi lang kung magbenta ng shabu sa kalye, 2 tulak nakalawit

DALAWANG personalidad na kabilang sa isinasangkot sa droga ang naaresto ng mga awtoridad sa ikinasang …