Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Robin, mas type makipagniig kay Mariel sa umaga

WOW, talaga palang napaka-prangka na ni Robin Padilla ngayon. Biglang nagsalita na siya tungkol sa sex life nila ng misis n’yang si Mariel Rodriguez. Active na active ‘yon.

Ipinagtapat n’ya ‘yon sa isang press conference para sa isang local dietary supplement for men na sila ng kapatid n’yang si Rommel Padilla ang endorsers. Si Rommel ang tatay ni Daniel Padilla.

“Kung puwede talaga mga two times a day lang, puwede na iyon. Okay na ‘yun. Nagba-budget pa ako niyon. Kailangan may pacing kasi 48 na ako,” tsika n’ya noong presscon.

“Noong araw kasi puwede talagang all night long. Pero kapag ganitong 48 ka na, medyo kailangan kumain ka rin, kailangan matulog ka rin,” paliwanag pa n’ya.

Ipinagtapat din n’yang mas gusto n’yang magtalik sila ni Mariel pagkagising nila sa umaga.

Nang tanungin siya kung may balak na nilang sundan ni Mariel ang unang anak nilang si Isabella, ang walang-takot n’yang sagot ay: “Naku, huwag muna ‘yun. Kasi noong nagbuntis siya hanggang sa roon sa nanganak, na-diyeta ako roon, eh. Ngayon lang ako ulit rumi-recover.”

Ayon sa bituin ng Sana Dalawa ang Puso, baka next year pa nila pag-uusapan kung gusto pa nilang magkaroon ng isa pang anak.

“Pero sa ngayon, masayang masaya kami kay Isabella. Siguro ipapasyal ko muna si Mariel ng mga anim na buwan. Tapos magdesisyon siya kung gusto niya mag-anak ulit. Si Mariel kasi nararamdaman ko parang gusto niya pa,” pagtatapat n’ya.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …