Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

SAF itatalaga sa Bilibid vs drug lords

PANSAMANTALANG magtatalaga ng mga tauhan ang Special Action Force (SAF) sa New Bilibid Prisons (NBP) bilang kapalit ng jail guards sa layuning masugpo ang drug rings sa loob nito, pahayag ng incoming justice chief.

Sinabi ni Incoming Justice Secretary Vitaliano Aguirre II kahapon, nanatiling talamak ang iregulairdad katulad ng gun running at illegal drug trade sa loob ng NBP dahil sa corrupt na prison guards mula sa Bureau of Corrections (BuCor)

“Sa mga nakaraang administrasyon diyan, alam naman nating hindi ma-correct-correct ang mga aspect ng corruption, drugs sa loob. Kahit paulit-ulit ang raid, galugad, ganoon pa rin,” ayon kay Aguirre.

“Tingin namin diyan ay tainted na talaga ng drugs ang iba’t ibang empleyado ng BuCor,” dagdag niya.

Sinabi ni Aguirre, hiningi niya ang tulong ni incoming PNP chief Ronald Dela Rosa na nangakong magtatalaga ng 1,000 SAF troopers sa NBP.

Ang SAF commandos ang magbabantay sa NBP habang ang jail guards ay isasailalim sa ilang buwan re-training at re-education.

“Bibigyan natin sila ng re-training, parang re-education. Baka sa ganoon, sila’y magbago rin,” aniya.

Dagdag ni Aguirre, pinag-aaralan din nila kung ano ang gagawin sa BuCor personnel na malalim nang nasadlak sa drug trade at hindi na marereporma sa pamamagitan lamang ng re-training.

“May ilan diyan, 10 taon na ‘ata hindi gumagalaw, hindi napo-promote. Titingnan natin kung anong pinakamagandang gawin sa kanila,” aniya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …