MATABIL
ni John Fontanilla
BAGUHAN mang maituturing sa industriya, hindi nagpakabog sa aktingan sina Rabin Angeles at Angela Muji sa awardwinning actress na si Lorna Tolentino sa launching movie nilang A Werewolf Boy hatid ng Viva Films at CJ Entertainment na idinirehe ni Crisanto B. Aquino.
Tama si Direk Crisanto na tunay ngang mahusay sina Rabin at Angela sa A Werewolf Boy, base na rin sa napanood namin sa premiere night nito sa SM Megamall Cinema 2.
Parehong nagampanan nina Rabin at Angela nang mahusay ang kanilang role at pareho may lalim umarte.
Hindi rin naman matatawaran ang husay sa pag-arte dito ni Candy Pangilinan at iba pang cast.
Maganda ang pagkaka-direhe ng kabuuan ng pelikula, kaya naman worth it na panoorin.
Kaya naman ngayong Jan. 14, showing nationwide ang A Werewolf Boy. Sugod na sa paborito niyong sinehan at sabay-sabay nating panoorin ang unang salvong pelikula for 2026 ng Viva.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com