NAIHALAL na ang mga bagong pamunuan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards, Inc. sa ginanap na eleksiyon noong Enero 9 sa opisina ng grupo sa Roces Avenue, Quezon City.
Pinangunahan ang 2026 PMPC officers and board members ng newly-elected president na si Fernan de Guzman. Nagbabalik bilang Pangulo si De Guzman matapos ang maka-ilang beses na rin niyang pamumuno para patuloy na pagsilbihan ang PMPC.
Ang iba pang mga bagong opisyal ay kinabibilangan nina Rodel Fernando, vice president; Eric Borromeo, secretary; Mildred Bacud, assistant secretary; Boy Romero, treasurer; Jimi Escala, assistant treasurer; Joey Austria, auditor; Evelyn Diao, PRO (English); at Glen Sibonga, PRO (Filipino).
Binubuo naman ang Board of Directors nina John Fontanilla, Leony Garcia, Melba Llanera, Mell Navarro, Rommel Placente, at Francis Simeon.
Ang PMPC Star Awards Inc. ay samahan ng showbiz media (entertainment editors, kolumnista, bloggers, TV and radio hosts). Ang grupo ang nag-oorganisa ng taunang Star Awards for Movies, Television, at Music.
Sa panahon ng panunungkulan ni De Guzman, sisikapin niya kasama ang mga opisyales at miyembro ng PMPC na pag-ibayuhin pa ang antas ng lokal na pamamayahag ng industriya ng entertainment, para sa kapakinabangan ng lahat, lalo na para sa maayos na samahan at kapakanan ng buong PMPC.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com