Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joyce Cubales

Joyce Cubales, happy sa pagbabalik sa pag-arte

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MASAYA si Joyce Cubales sa kanyang muling pagsabak sa pag-arte. Ito’y via the movie ‘Co-Love’, na isa sa entry sa katatapos na Puregold CinePanalo Film Festival.

Pinagbidahan ito ng young stars na sina Jameson Blake, Kira Balinger, Alexa Ilacad, at KD Estrada. Ang pelikula ay mula sa pamamahala ni Direk Jill Urdaneta.

Si Ms. Joyce ay isang beauty queen at aktres, siya ay movie producer, model, at fashion and jewellery designer din.

Nagpasalamat siya sa kanilang director at nagkuwento hinggil sa nasabing pelikula.

“Thanks sa Co-Love director namin na si Jill Urdaneta, ang role ko rito, I’m the mother of Alexa Ilacad.

“Maikli lang yung role ko pero am so happy to be a part of this movie. Kudos to our very brilliant director, magaling si Jill na director and its nice working with all the crew and actors and actressess.”

“Ang galing, nanalo ang film namin ng People’s Choice Award, nakaka- proud talaga,” masayang dagdag ni Ms. Joyce.

Ano ang masasabi niya kay Alexa Ilacad?

“I find her very pretty and friendly and nice to work with. One day ay mananalo iyan bilang Best Actresss.

“Actually, lahat sila ay mababait and so nice to work with, very talented din sila.”

Aminado rin siyang na-miss ang pag-arte sa harap ng kamera.

“Yes, of course… nakaka-miss ang pag-arte, ang tagal na rin niyon. Naaalala ko pa, na-nominate akong Best Newcomer Actress, hindi ba?

“Iyong New Generation Heroes na movie namin, year 2015 pa iyon, hindi ba?”

Start na ba ito ng pagiging active niya ulit sa showbiz?

Tugon niya, “At the moment I am so happy na may mga offers ako sa movies as an actress. Pero may gusto pa muna akong tapusin e, kaya hindi pa ako maka-decide. Alam ninyo ‘yun…

“I am praying na magiging active ako ulit sa showbiz, praying, praying… Only God knows…”

Ipinahayag din ni Ms. Joyce na nag-enjoy siya sa kanyang balik-acting sa pelikulang Co-Love.

Aniya, “Oo naman, I enjoyed my role giving advice to my young daughter not to give up. Ganoon talaga ang ina, for a mother, the best ang anak niya, always hindi ba?

“As I’ve said maikli lang naman ang role ko, but I enjoyed doing it especially maganda ang athmosphere sa set at very pleasant ang mga kasama ko sa film. Very professional din silang lahat and really, very talented.

“Biglaan lang itong pagkakasali ko rito, ang bait ni direk Jill, isinama niya ako kahit small lang na role. Happy ako na mapasali sa movie dahil puro bagets na mababait ang mga kasama ko,” nakangiting bulalas pa niya.

Pahabol pa ni Ms. Joyce, “Noong na-nominate nga pala ako noon as Best Newcomer Actress, hindi man ako nanalo but I won the Star of the Night naman.

“That was also something I can be proud of, hindi ba? Wearing my own creation, kaya memorable talaga iyon.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …