Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Checkpoint sinalpok ng motorsiklo Pulis sugatan, rider timbog

Checkpoint sinalpok ng motorsiklo Pulis sugatan, rider timbog

SUGATAN ang isang pulis nang sadyang sagasaan ng driver ng motorsiklo sa pagtatangkang umiwas sa joint COMELEC checkpoint operation sa Brgy. Nagbunga, sa bayan ng San Marcelino, lalawigan ng Zambales, nitong Lunes, 10 Pebrero.

Kinilala ang sugatang alagad ng batas na si P/Cpl. John Nelson Flores, 36 anyos, residente sa Brgy. Pamatawan, Subic, Zambales, na tinamaan sa kaniyang kanang paa matapos sagasaan ng motorsiklo ng suspek.

Samantala, kinilala ang suspek na si alyas Bert, 25 anyos, residente sa Brgy. Cawag, Subic, Zambales, nagmamaneho ng itim na Honda TMX 155, may plakang UF 4677 nang siya ay i-flag down para sa inspeksiyon.

Imbes sumunod, mabilis niyang pinaharurot ang motorsiklo patungo kay P/Cpl. Flores at sinalpok ang pulis bago nagtangkang tumakas na kalaunan ay naaresto rin ng pulisya.

Kasalukuyan nang nakakulong ang suspek sa San Marcelino MPS custodial facility at nahaharap sa kasong frustrated homicide at disobedience to lawful orders.

Mariing tinuligsa ni P/BGen. Jean Fajardo, Regional Director ng PRO3 PNP, ang pag-atakeng ito sa isang pulis na nakatalaga para sa pangkapayapaan at kaayusan na kanilang sinumpaang tungkulin.

Aniya, anumang pagtatangkang suwayin o saktan ang mga nagpapatupad ng batas ay may haharaping kaso nang alinsunod sa umiiral na batas. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …