I-FLEX
ni Jun Nardo
NA-STRANDED sa isang bayan sa Bicol ng two days ang empleado ng nanay ng young female singerdahil sa bagyong Kristine.
Two days sila na walang kain habang ‘yung iba eh seven days, huh.
Eh dagdag na problema pa ‘yung ayaw daw magbenta ng mga tindahan doon ng pagkain. Parag itinatago nila ito para sa kanilang pamilya.
Mabuti na lang daw, nang maayos na ang daanan eh nakasakay ang empleado ng madir ng singer at nabigyan ng pagkain at nakauwi.
Madalas tumulong ang nanay na ito ng female singer. Noong pumutok ang bulkang Taal, tumulong sila pero roon niya nasaksihan. Nagkagulo ang mga tao sa pagdating nila pero sinabihan ng madir ang empleado niyang papilahin ang lahat para maging maayos ang pagbigay nila ng tulong.
Gusto mang tumulong ng pamilya ng singer sa Bicol, inuna muna nila ang kababayan sa kanilang lugar sa Cavite na nasalanta rin ng bagyo.