Photo caption: ANG presidente ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) na si Mr. Ramon "Tats" Suzara (nakaupo, pangatlo mula kaliwa) at secretary-general na si Donaldo Caringal kasama sina (mula kaliwa) Ayala Land Estate Development head Mark Manundo at vice president May Rodriguez at Philippine Sports Commissioner (PSC) Commissioner Olivia “Bong” Coo. Kasama nila ang mga miyembro ng pambansang koponan (mula kaliwa) Romnick Rico, Pauljan Doloiras, Jaton Requinton, Khylem Progella, Sofia Pagara, Floremel Rodriguez, Rhovyl Verayo, Genesa Jane Eslapor, Cancel Varga, Alchie Gupiteo, Anthony Lemuel Arbasto Jr., Joao Luciano Barbosa at Jason Gabales. (HENRY TALAN VARGAS)
Nagbabalik ang Volleyball World Beach Pro Tour sa Nuvali
Henry Vargas
November 24, 2023
Other Sports, Sports, Volleyball
MAGTITIPON ang mga elite na manlalaro sa buong mundo sa loob ng limang araw sa bagong beach volleyball mecca ng bansa sa NUVALI sa Lungsod ng Santa Rosa, Laguna simula sa Nobyembre 30 para sa Volleyball World Beach Pro Tour (BPT) Challenge.
Ang mga elite na koponan mula sa mahigit 30 bansa na pangungunahan ng men’s world No. 1 Norway at women’s top-ranked Brazil ay maglalaban sa makabagong gawang limang Federation Internationale de Volleyball (FIVB)-standard na sand court sa Nuvali ng Ayala Land Inc., City of Santa Rosa at ng Philippine National Volleyball Federation.
“Ang Nuvali ang kinabukasan ng beach volleyball at magsisimula ito sa BPT Challenge,” sinabi ni PNVF president Ramon “Tats” Suzara sa press launch ng event noong Miyerkules sa Philippine Sports Commission Conference Hall sa Malate, Manila.
Check Also
TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …
NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …
QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …
SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …
Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …