Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ayanna Misola

Ayanna Misola grateful sa Kinsenas Katapusan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAGPAPASALAMAT si Ayanna Misola dahil kaagad siyang nabigyan ng launching movie, ang Kinsenas Katapusan ng Viva Films na mapapanood na sa February 4 at idinirehe ni GB Sampedro.

Unang ipinakilala si Ayanna ng Viva sa Pornstar 2 at Siklo at ngayon sa Kinsenas Katapusan naman magpapakita ng galing hindi lamang sa pagpapasexy ang bagong discoverer ng Viva.

I feel so blessed dahil baguhan lang po ako tapos may launching film na agad,” anang dalaga sa media conference ng kanilang pinagbibidahang pelikula na isang sexy-psycho-thriller.

“Aware naman po ako na hindi lahat ay nabibigyan ng ganoong opportunity kaya very grateful talaga ako sa tiwala na ibinibigay sa akin ng big bosses namin sa Viva,” sambit pa nito.

Inamin ni Ayanna na nabigla siya sa bilis ng takbo ng kanyang career. “Medyo nabibigla ako dahil hindi pa nagsi-sink in sa akin na artista na talaga ako.

“Marami po akong mga upcoming project this year sa Vivamax na malayo talaga sa karakter ko in real life, pero game lang!” giit pa nito.

Ginagampanan ni Ayanna si Beth na nakilala ni Joko Diaz (Conrado) sa online na may madilim na nakaraan. Nag-umpisa ang pagkakaibigan ng dalawa sa pamamagitan ng videocall hanggang sa nagkikita na ng palihim. Hanggang sa nalaman niyang kaibigan din pala si Beth ng kanyang anak. 

Ang Kinsenas Katapusan ang sinasabing pinakamainit at exciting movie na maraming twist ni Direk GB kaya naman asahan ang maraming maiinit na eksena nina Ayanna at Joko. 

Samantala nilinaw ni Ayanna na tanggap ng pamilya niya ang ginagawang paghuhubad dahil alam ng mga ito na stepping stone lamang niya ito.

Tanggap ng family ko kung ano ‘yung pinasok ko. Naniniwala naman po sila na stepping stone ko lang ‘yunh mga ginagawa ko ngayon at darating ang araw na hindi ko na kailangang maghubad sa pelikula.”

Bukod kina Ayanna at Joko, kasama rin sa pelikula sina Jamilla Obispo, Janelle Tee, at Angela Morena.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Joseph Marco Rhen Escaño My Husband is a Mafia Boss

Joseph Marco at Rhen Escaño bibida sa My Husband is a Mafia Boss

HINDI nauubos ang mga kapana-panabik na handog ng Viva One para sa mga loyal viewer at Wattpadseries enjoyers. …

SSR Shake Rattle and Roll Evil Origins

Shake, Rattle &Roll: Evil Origins tumabo ng mahigit P110-M sa takilya, palabas pa sa mahigit 100 sinehan

NA-BREAK na ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins ang P100-M mark sa isinasagawang Metro Manila Film Festival …

CoJ Cup of Joe Stardust

Cup of Joe’s Stardust int’l leg kasado na

I-FLEXni Jun Nardo KASADO na ang Stardust international tour ng multi-awarded record breaking band na Cup of Joe. …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …