Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Barbie Imperial Diego Loyzaga AJ Raval

Pagtalak ni Barbie kay AJ gimmick?

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

BAKIT nga ba nali-link si Diego Loyzaga kay AJ Raval?  Ang alam lang namin ay nagkasama ang dalawa sa Death of A Girlfriend, ang unang pelikulang leading lady siya na idinirehe ni Yam Laranas produced ng Viva Films.

Noong ginawa nina Diego at AJ ang unang tambalan nila ay karelasyon na ng aktor si Barbie Imperial kaya nakatataka kung bakit nali-link ang aktor sa dalaga ni Jeric Raval.

Anyway, nagtanong kami sa taga-production kung nakitaan ng something noon sina Diego at AJ.

“Hi Reggee, Diego was very pro and supportive kay AJ. They had chemistry kasi ‘yun ang needed din sa scenes. Nothing more,” sagot sa amin ng tinanungan namin.

At nabanggit naming natsitsismis ang dalawa, “ngayon o before pa?”

Sabi namin na ngayon kaya nagagalit si Barbie at sad face ang isinagot sa amin ng taga-production.

Ayaw naming isiping promo ng pelikulang Dulo nina Diego at Barbie ang paghamon ng huli kay AJ para magsalita dahil hindi ito okay.

Maganda ang pelikulang Dulo base sa trailer kaya hindi kailangan ng ka-cheapang awayan ek para pag-usapan ang pelikula na idinirehe ni Fifth Solomon produced ng Viva Fims na mapapanood sa Vivamax sa Disyembre 10, bisperas ng unang taong anibersaryo nina Diego at Barbie.

Anyway, tama lang na hindi sumasagot si AJ maliban sa nag-post ng character na halatang nang-iinis kay Barbie at sana hanggang doon na lang iyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …