Monday , March 4 2024
Aljur Abrenica, Ana Jalandoni, Manipula, Kylie Padilla, AJ Raval

Aljur ‘di proud sa mga nasabi kay Kylie; Inaming may pinagdaraanan sila ni AJ

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ISA sa bida si Aljur Abrenica sa pelikulang Manipula kasama si Ana Jalandoni na isinulat at idinirehe ni Neil ‘Buboy’ Tan. Kaya naman hindi namin akalaing darating si Aljursa presscon nito na dahil mainit pa ang ukol sa hiwalayan nila Kylie Padilla. Kaya pahulaan ang mga entertainment press kung darating ang aktor.

At habang kumakain, umapir si Aljur at game itong umupo sa presidential table para sumagot sa mga ibabatong katanungan sa kanya. Pero bago simulan ang conference nagbigay na agad ito ng statement ukol sa kani-kanilang inilabas na pahayag ni Kylie.

Panimula ni Aljur, ”I’m not proud sa nangyari. The reason why nagawa ko ‘yun, I felt like nasadsad na ako, nabugbog na ako. So, it was not my intention na maglabas ng ganoong post pero naramdaman ko talaga na kailangan kaya nagawa ko ‘yun.”

Ang tinutukoy ni Aljur na pahayag ay iyong hinamon nito ang dating misis kung sino ba talaga ang sumira ng kanilang pamilya at pinaamin kung sino ang kasama nito noong mga oras na iyon.

Kasunod nito ang pagtatanggol ng pinsan ni Kylie na kung sino ang naunang nagloko at ang pag-utang ng malaking halaga ng aktor. Gayundin ang pagsuporta naman ni Kylie sa divorce law.

Pero dahil ayaw nang dagdagan pa o mag-elaborate pa sa mga sinabi niya si Aljur, itinuloy niya ang kanyang pahayag.

“Ang sa akin, I think, nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin. Hindi ko na siya gusto pang i-elaborate dahil pamilya ko pa rin sila,” aniya pa.

“Nagpapasalamat ako sa inyo dahil alam ko naman kung bakit kayo nagtatanong at ganu’n ka-apektado ang mga tao dahil sinubaybayan n’yo ang pagsasama namin ni Kylie,” sambit pa ni Aljur.

Iginiit ni Aljur na minahal niya talaga si Kylie at naapektuhan din siya sa nangyari.

“I can still stay na she was the love of my life. Talagang minahal ko ‘yung babaeng ‘yun. And I valued our family more than anything. So I was really affected nang nangyari ‘yun.”

Idinagdag pa ni Aljur ang paghingi ng respeto para sa kanilang dalawa ni Kylie at sa kanilang pamilya.

“Pamilya ko pa rin sila. May pagkakamali rin ako and for the sake of our children, gusto ko na lang matapos ito.

“She’s still the mother of my children, and may pinagsamahan pa rin kami, I will never forget that, ipinagpapasalamat ko ‘yun.

“Napakinggan n’yo na ang mga sinabi ko, sa post na ‘yun, at lahat lumabas na, hanggang doon na lang. So, sana, hinihingi ko po sa inyo na para sa mga bata, para sa pinagsamahan namin ni Kylie, nagpapasalamat kami sa inyo, utang na loob namin sa inyo, ganoon na lang,” saad pa ni Aljur.

Pagkatapos ng statement na ito’y hindi na tumanggap ng anumang katanungan si Aljur ng tungkol sa kanila ni Kylie ng pamilya.

Samantala, pinapurihan ni Direk Buboy ang kanyang mga bidang artista sa Manipula lalo na si Ana na bukod sa pagiging bida ay siya ring producer.

Pinuri rin ni Aljur si Ana dahil bukod sa pagiging artista eh napaka-hands on producer din nito. ”Pagkatapos mahirapan sa kanyang role eh hindi pa siya natatapos doon. Pagdating ng gabi, nag-a-accounting pa siya. Siya ang unang nagigising at siya rin ang huling natutulong a amin. Kaya talagang lahat alam niya pagdating sa pagpo-produce.”

Gagampanan ni Ana ang anim na karakter na aminado ang aktres na hindi naging madali sa kanya.

Kasama rin sa Manipula sina Kiko Matos, Rosanna Roces, Christian Vasquez, Allan Paule, Marco Alcaraz at marami pang iba. Ang Manipula ay handog ng A Flix Productions.

Sa kabilang banda, inamin din ni Aljur na may pinagdaraanan sila ng kanyang girlfriend na si AJ Raval pero sila pa rin.

“Kami ni AJ, may pinagdaraanan kami dahil sa mga pangyayari ngayon pero we’re fighting. We’re doing our best to lear from it. May natutunan sa mga nagyari and to prioritize ‘yung mga dapat na prioritiez. And mag-focus sa mga mas importanteng bagay.”

At igiiniit ng aktor na, “But we’re still together.”

Natanong si Aljur kung ano ang napag-usapan nila tungkol sa pinagdaraanan ngayon ng aktor, ”For us, nasa proseso pa ri ‘yung pag-uusap, so it’s very personal. For now, sa amin muna ‘yun,” sambit pa ni Aljur.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

030424 Hataw Frontpage

PREMYADONG AKTRES JACLYN JOSE, NATAGPUANG WALANG BUHAY, IMBESTIGASYON NAGPAPATULOY  
Coco, Cherry Pie agad nagtungo sa bahay

ni ED DE LEON  NATAGPUANG walang buhay ang batikang aktres na si Jaclyn Jose sa …

Gelli De Belen Patricia Tumulak Sherilyn Reyes-Tan Manoy Wilbert Lee

Gelli, Patricia, Sherilyn, at Manoy Wilbert magbibigay inspirasyon sa kanilang show

ni Allan Sancon MAGSASAMA-SAMA sina Gelli De Belen, Patricia Tumulak, Sherilyn Reyes-Tan, at ang dating businessman …

KMJS Jessica Soho 1000

KMJS naka-1000 episodes na

RATED Rni Rommel Gonzales SANA all nagtatagal. Sana nga lahat ay gaya ng Kapuso Mo, Jessica …

Jon Lucas

Jon Lucas ayaw padehado

RATED Rni Rommel Gonzales HIGHBLOOD na naman malamang ang viewers sa mga plano ni Calvin …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle at Derrick happy na extended ang Makiling

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI lang viewers ang masaya sa good news na extended ang Makiling dahil …