NAPAKASUWERTE ng mga natitirang Pop Dreamers dahil makakasama nila ang tinaguriang Multimedia Prince na si James Reid sa nalalapit na Popinoy finals.
Si Reid bilang ultimate mentor ay makakasama ng mga natitirang Pop Dreamers sa episode ngayong Linggo, Oktubre 24, ng Popinoy ng TV5.
Sa kanyang 1-on-1 sa mga Pop Groups, ibinahagi ni James ang kanyang humble beginnings sa industriya at inilahad din sa mga Popinoy aspirants ang kanyang mga natutunan sa kanyang buhay at career.
Kaya panoorin ang 2nd part ng preparations para sa Popinoy special grand finale kasama ang Ultimate Guest Mentor na si James Reid sa Oktubre 24, 7:00 p.m., at ang Grand Finale sa November 7 sa TV5! (MVN)