Saturday , April 26 2025
Maja Salvador, Eat Bulaga

Maja pinangarap makasali sa Little Miss Philippines

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

NITONG Sabado, Oktubre 2 ang unang araw ni Maja Salvador sa Eat Bulaga bilang host sa segment na DC 2021 na ipakikita niya ang classic dance hits na sumikat sa iba’t ibang genre.

Ang saya-saya ni Maja na maging parte ng Eat Bulaga dahil base sa kuwento niya kina Ryan Agoncillo, Jose Manalo, at Allan K, sobrang na-miss niya ang pagsayaw lalo na ang kanyang nanay na kaarawan din noong Sabado.

Aniya, ”’Yung nanay ko pala talaga birthday niya today. Ma, Happy Birthday! O, ito na ‘yung regalo ko sa ‘yo, ha!

“Sabi niya kasi, ‘Nami-miss na kitang makitang sumayaw. Ang tagal na rin kasi, so sabi ko, ‘Ma, kinukuha ako ng ‘Eat Bulaga!,’ parang, ‘di ba, nanonood lang tayo ‘tapos ngayon magiging parte na ako ng Dabarkads.”

Hindi inakala ni Maja na ang programang pinanonood niya noon sa telebisyon sa kapitbahay ay heto na, parte na siya nito kaya sobrang overwhelmed niya nang aluking maging segment host na may kinalaman sa pagsasayaw.

Oo nga naman, Queen of Dance floor ang taguri kay Maja noong nasa ASAP Natin ‘To siya pero nawala noong sumama siya sa kanyang tatay-tatayan na si Mr. Johnny Manahan sa TV5 para sa programang Sunday Noontime Live na hindi tumagal sa ere dahil malaki ang lugi.

Anyway, dagdag trivia pa ni Maja na sakto ang theme song ng EB na mula Aparri (Cagayan) hanggang Jolo dahil literally lumaki siya sa bayan ng Cagayan Valley. Bukod pa sa gusto niyang sumali noon sa Little Miss Philippines pero hindi nangyari dahil wala silang budget na para makaluwas.

Itinadhana sigurong hindi makaluwas noon si Maja dahil may magandang plano pala sa kanya ang Diyos, gagawin siyang host ng sarili niyang segment na Dance Craze pagkalipas ng mahigit dalawang dekada.

Anyway, kahit nasa EB na si Maja ay hindi niya iiwan ang teleseryeng Nina Nino sa TV5 kasama sina Noel Comia, Jr. at Empoy Marquez lalo na ngayong nanalo sa 2021 Asian Academy Creative Awards bilang Best Drama series at Best Actress respectively sa national Philippines. 

Ang Nina Nino at si Maja ang magiging representate sa AACA Awards na gaganapin sa Singapore sa December 2021.

Ang nasabing programa ay produced ng Cignal at TV5 na line produced naman ng  Cornerstone Studios at Spring Films.

About Reggee Bonoan

Check Also

Faith da Silva Gil Aga Anore

50th Grand Santacruzan sa Barangay Libid, Binangonan, kasado na sa Mayo 4!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGIGING makulay at masaya ang ihahandog ng Barangay Libid para …

Liriko An Intimate Night of Music nina Troy Laureta at Dessa 

Liriko: An Intimate Night of Music show para Sa Golden Gays at Gabay ng Landas

ISANG Filipino producer na nasa LA sa Amerika, si Jensen Carlo Quijano, ang nag-produce ng show …

Innervoices

Innervoices muntik magkawatak-watak

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng tumatayong leader ng grupong Innervoices na si Atty Rey Bergado ang naging desisyon nila  …

Junell Hernando Nora Aunor Christopher De Leon

Dating child actor masuwerte na nakatrabaho si Ate Guy

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING ng dating child actor at isa sa bumida sa mga pelikulang  Magic …

Nora Aunor Judy Ann Santos

Juday kay Nora natutunan kababaan ng loob

RATED Rni Rommel Gonzales KAY Nora Aunor daw natutunan ni Judy Ann Santos ang pagpapakatotoo sa sarili, pati na …