Saturday , July 26 2025
100121 Hataw Frontpage

Robredo para 2022 presidente (Endoso ng 1Sambayan)

100121 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

NANAWAGAN si Vice President Leni Robredo sa publiko na samahan siyang magdasal para makapagpasya kung tatanggapin ang nominasyon sa kanya bilang 2022 presidential bet ng opposition coalition 1Sambayan.

“Mabigat ang hinihiling sa isang pangulo. Maraming responsibilidad at obligasyon ang dala nito — buhay at kinabukasan ng Filipino ang nakataya. Ang desisyon sa pagtakbo, hindi puwedeng nakabase sa ambisyon, o sa pag-udyok ng iba. Sa loob ito dapat manggaling, dala ng pagharap sa lahat ng konsiderasyon at malalim na pagsuri sa sitwasyon,” pahayag ni Robredo.

“Mulat tayo sa tungkulin natin, bilang pinuno at Filipino, at taimtim na pagninilay at pagdarasal ang ginagawa natin. Sa mga susunod na araw, samahan ninyo akong magdasal pa, that our decision will be what is best for our country,” aniya.

Nagpapasalamat si Robredo sa malaking karangalan na mapiling pambato sa 2022 presidential race gayondin sa suporta sa kanya ng iba’t ibang grupo.

“Nagpapasalamat ako sa nominasyon na ito ng 1Sambayan. Malaking karangalan ang tiwalang ipinagkaloob sa akin ng mga miyembro ng grupong ito.  Nagpapasalamat rin ako sa mga kababayan natin na these past weeks and months, have shown their overwhelming support sa atin,” giit niya.

Nauna rito’y sinabi ni 1Sambayan convenor at dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na malabong tanggihan ni Robredo ang nominasyon ng 1Sambayan at inaasahan niya na tutugon agad ang Bise-Presidente sa lalong madaling panahon.

“I think it’s a very remote possibility that VP Leni will decline,” ani Carpio.

Si Robredo aniya ay kasalukuyang nasa Bicol.

Matatandaan, hinihimok si Robredo ng ilang politiko at grupo sa rehiyon na kumandidatong Camarines Sur governor.

Kaugnay nito, umaasa ang Magdalo Group na mahihikayat na si Robredo na lumahok sa 2022 presidential election sa endoso ng 1Sambayan

Tiniyak ni dating Sen. Antonio Trillanes IV, pinuno ng Magdalo Group ang buong suporta sa kandidatura ni Robredo dahil naniniwala ang grupo na maiaahon niya ang bansa mula sa ginawang pambababoy ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Now that the 1Sambayan has endorsed VP Leni, we hope that she would be encouraged to finally decide and run for president. We, in the Magdalo group, have been consistent in urging her to run as we believe in her capacity to save the country from the mess Duterte has put us into. If she decides to run, the Magdalo group would fully support her to ensure her win,” pahayag ni Trillanes.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

SSS

SSS maglalabas ng binagong Calamity Loan Program (CLP) guidelines; pagbaba ng interest rate sa 7%, pinapayagan ang renewal pagkatapos ng anim na buwan, pinasimple ang proseso ng pag-activate para sa napapanahong tulong pinansiyal

INIANUNSIYO ng Social Security System (SSS) na maglalabas sila ng revised Calamity Loan Program (CLP) …

Bulacan PDRRMO NDRRMC

Bulacan, pinaigting disaster response sa mga binahang munisipalidad

HABANG patuloy na nararanasan ang epekto ng habagat na pinalakas ng mga bagyong Crising, Dante, …

NDRRMC

25 katao patay sa 3 bagyo at Habagat

PATAY ang 25 katao sa magkakasunod na pagtama ng mga bagyong Crising, Dante, at Emong …

Sara Duterte Bam Aquino

Bam Aquino nanindigan impeachment trial vs VP Sara dapat ituloy
Humingi ng caucus sa mga kapwa Senador

NANINDIGAN si Senador Bam Aquino na dapat ituloy ang impeachment trial ni Vice President Sara …

Scoot Flight TR 369 Plane

Torre vs Baste boxing match sinibatan

HABANG excited sa paghahanda si Philippine National Police (PNP) Chief, General Nicolas Torre, mukhang ‘drawing’ …