Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lian Paz, Paolo Contis, LJ Reyes
Lian Paz, Paolo Contis, LJ Reyes

Paolo Contis, may pattern ng pang-iiwan sa karelasyon

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

KAPAG may isa o dalawa pang showbiz couple na misteryosong maghihiwalay kahit na ang projection nila sa madla ay okey lang ang relasyon nila, mauuso na talaga ang ekspresyon na “may pattern” para ipaliwag ang mistulang habitual behavior ng isa sa mag-asawang nasasangkot o kanilang dalawa. 

“May pattern na” ng pang-iiwan ng babaeng pinakasalan n’ya o naka-live-in n’ya si Paolo Contis. Ang una n’yang iniwan ay ang naging legal wife n’yang EB Babes dancer na si Lian Paz. Iniwan n’ya si Lian noong 2012 kahit may dalawa na silang anak.

Ang pangalawa n’yang iniwan ay si LJ Reyes at ang isang anak nila. 

Ang katoto nga pala namin sa panulat na si Noel Ferrer ng PEP Troika ang nagpaalala sa amin ng konsepto ng (behavioral) pattern. Binanggit n’ya ‘yon sa isa sa mga ulat ng PEP Troika kamakailan tungkol nga sa pang-iiwan ni Paolo kay LJ. (Ang dalawa pang miyembro ng Troika ay sina Jerry Olea at Gorgy Rula.)

Kung sino man ang babaeng kinahuhumalingan ni Paolo ngayon, she must be aware na posibleng siya ang maging third “victim” ng gwapong aktor na may dugong Italian (dahil Italian ang ama n’ya). 

Actually, ‘di lang nanan si Paolo ang “may pattern na” kundi pati na si LJ. Pangalawa na si Paolo sa nang-iwan sa kanya. Ang una ay si Paulo Avelino na naging live-in boyfriend n’ya at naanakan siya ng isa, na sa paglaon ay naging malapit kay Paolo. 

Ang isa pang ibig sabihin ng “pattern” ay bahagi na ito ng personalidad ng isang tao. The person may not be aware na may mga paniniwala at saloobin siya na nakakintal na sa kamalayan n’ya at itinutuon (kundi man ibinubulid), siya na magpasya nang di n’ya pinag-isipan nang husto. 

May mga authority sa human behavior na nagsasabing karamihan sa mga babaeng pisikal na sinasaktan ng asawo o boyfriend nila ay may pattern na sa personalidad nila na naaakit sila sa isang wifebeater. 

May beaten wives na ang mga ina ay ganoon din: binubugbog ng mister nila. 

Magan­dang babae pa rin si LJ kahit may dalawang anak na. Maliligawan pa rin siya. Hahabulin. Panganga­kuan. At kung totoo na ngang may pattern na siya sa pa­giging “abandoned spouse,” malamang ay iwan din siya ng pangatlong lalaki na seryoso n’yang makakarelasyon. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Im Perfect Unmarry

Sylvia 3 blessings natanggap; UnMarry Big Winner sa MMFF51

RATED Rni Rommel Gonzales BEST Actress. Best Ensemble. Best Picture. Congratulations! Mahal ka ng Diyos, Jossette! …

Krystel Go Im Perfect

I’m Perfect gumawa ng history sa MMFF 2025 

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na history ang nangyaring pagwawagi ng pelikulang I’m Perfect sa katatapos na Metro Manila …

Ronnie Liang surgery

Ronnie Liang may palibreng cataract surgery 

RATED Rni Rommel Gonzales ARTIST ng Sparkle GMA Artist Center si Ronnie Liang at kaka-renew lamang niya …

Alden Richards Big Tiger

International film ni Alden iniintriga 

MATABILni John Fontanilla INIINTRIGA ngayon ng ilang netizens ang ginawang Hollywood film ni Alden Richards, ang Big Tiger. …