Rated R
ni Rommel Gonzales
IPINAGPAPASALAMAT ni Jasmine Curtis-Smith na may season break ang The World Between Us.
“It’s an opportunity na magkaroon ng rest in between the different years na ginagampanan namin sa kuwento, kasi kung napansin n’yo nagsimula kami sa 2011 tapos ngayon nasa 2017 na kami sa kuwento. so tatalon pa po kami ng hanggang sa present.
“So para sa akin as an actor, nakatutulong po ‘yun para ma-recalibrate ko rin po ‘yung maturity niyong character ko bilang si Lia kasi baka magkapare-pareho na rin ‘yung ibinibigay kong atake, sa 2011, sa 2017 at saka sa present version ni Lia.
“So para sa akin iyon ‘yung isa sa mga bagay na I’m thankful for in this season break.”
Hanggang Biyernes na lang muna ang The World Between Us dahil sa season break nila dulot ng ECQ ng COVID-19 pandemic. Pansamantalang hihinto ang kuwento nina Lia, Louie (Alden Richards) Audrey (Kelly Day), Eric (Sid Lucero), at Brian (Tom Rodriguez).
Muling mapapanood ang TWBU sa November 15.
Pagpapatuloy pa ni Jasmine, “And of course sad din kasi mawawala kami sa ere for a while and our viewers are already attached and invested.
“But if this is a really good show they will still be there kapag bumalik kami sa November 15, and I believe that po.”