Sunday , August 7 2022
Tom Rodriguez, Billy James Renacia, AMP, Anak Maharlikang Pilipino

Tom Rodriguez palalawakin ang pagtulong sa pamamagitan ng AMP

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MATAGAL na palang tumutulong at nagkakawanggawa ang aktor na si Tom Rodriguez. Hindi ito batid ng marami sa atin dahil hindi naman ipinamamarangya ng aktor ang ginagawang kabutihan.

Ayon nga sa kaibigan nitong si Billy James Renacia, likas ang pagiging matulungin ni Tom. Kaya ‘wag nang pagtakahan pa at ‘wag na ring magulat kung gustong ituloy ni Tom kasama siya na ituloy ang pagtulong sa pamamagitan ng pagpasok sa politika.

Noong Huwebes kasi’y isa sina Tom at Billy na nag-file ng kanilang Certificate of Candidacy (CoC) para maging representative ng partylist na AMP o Anak Maharlikang Pilipino na magsusulong ng karapatan ng mga construction worker.

Ayon kay Billy, si Tom ang first nominee ng AMP at siya naman ang 2nd nominee nito.

Si Billy James ay ang aktor na napanood dati sa Ang Probinsyano bilang love interest ni Judy Ann Santos.

Sa pakikipag-usap naming kay Billy James nasabi nitong sobrang qualified si Tom na maging kongresista dahil bukod sa matalino ito, malapit ang puso ng aktor sa masa at likas ang pagiging matulungin sa mahihirap.

Kuwento ni Billy James, taong 2010 pa sila magkakilala ni Tom.

“Wala pa si Tom sa showbiz noong naging magkaibigan kami. Kaya noong nabiyayaan kami, nagkaroon ng maayos na buhay, ang tumulong sa mga nangangailangan ang inatupag naming,” sambit ni Billy James.

“Napakabuting tao ni Tom at wala siyang ginawa kundi ang tumulong sa kapwa. Calling niya ang ganito. Mula noon, wala kaming ginawa kundi ang tumulong, magbigay ng ayuda sa mga frontliner. Kahit wala kaming partido, nagpupunta kami sa mga barangay para tumulong. Kanya-kanya kaming bigay ng pera. Mula sa bulsa namin ang itinutulong namin.

Nang tanungin kung bakit papasukin pa ang politika gayung nakakatulong na naman sila, sinabi ni Billy James na, ”Naisipan naming pumasok sa ganito, para mas marami kaming matulungan.”

Sinabi pa ng 2nd nominee ng AMP na, ”the partylist will encourage productive collaborations with DOLE, POEA, and OWWA and to the Global Pinoy Contruction Experts. The partylist will also support the government in building sustainable communities and a strong institution for a brighter future for the Filipino people.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Tommie Mopia Gawad America award

US base entrepreneur/producer Tommie Mopia Gawad America awardee

RATED Rni Rommel Gonzales IPINANGANAK at lumaki sa Pilipinas, sa Iloilo, si Tommie Mopia at nag-migrate sa …

Bianca Umali Ruru Madrid

Ruru nanghinayang, Bianca mag-isang rumampa

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT hindi nakadalo si Ruru Madrid sa GMA Thanksgiving Gala noong July 30, inihayag ng …

Tonton Gutierrez Gil Cuerva Gabby Garcia Khalil Ramos

Tonton natameme sa galing ni Gil Cuerva

COOL JOE!ni Joe Barrameda REVELATION si Gil Cuerva huh. Nahasa na sa galing umarte.  Dati walang kalatoy-latoy …

Mikee Quintos Lianne Valentin

Mikee natatalbugan ng kontrabida

COOL JOE!ni Joe Barrameda Kung sa seryeng Lolong ay marami ang sumusubaybay sa Primetime ng GMA, ang Apoy Sa …

Rob Guinto Purificacion

Rob Guinto ‘di lang paghuhubad na-challenge rin sa Purificacion

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Rob Guinto sa tampok sa pelikulang Purificacion na …