Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maine Mendoza #MaineGoals BuKo Channel
Maine Mendoza #MaineGoals BuKo Channel

Passion project ni Maine tinupad ng Buko Channel

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

BUHAY KOMEDYA pala ang ibig sabihin ng BuKo na bagong local comedy channel ng TV5 na mapapanood sa loob ng 24 oras ang mga programang sinubaybayan noon at ngayon.

Nitong Agosto 2 ay inilunsad ang BuKo Channel sa TV5 sa pagsasanib puwersa ng Cignal TV Inc, ang premier direct-to-home satellite provider at Pay TV leader sa bansa, at ang powerhouse TV and film production company na APT Entertainment Inc..

Ang mga mapapanood ay ang mga bagong programa ng BuKo Originals, na magtatampok ng mga nakaaaliw na mga palabas. Kabilang dito ang #MaineGoals, isang lifestyle-oriented hosted by Maine Mendoza na isa-isa niyang tutuparin ang kanyang “goals” galing sa kanyang checklist. Tampok din sa BuKo Originals ang Kusina ni Mamang, isang cooking show hosted by Pokwang, na tutuklas ng iba’t ibang tradisyonal na lutong Pinoy. 

Pokwang Kusina ni Mamang
Pokwang Kusina ni Mamang

Ayon sa Cignal TV Inc. President at CEO na si Robert P. Galang, “Cignal TV Inc., we take pride in collaborating with top players in the entertainment industry to explore new ways of providing quality content for our viewers. We are honored to partner with APT Entertainment Inc. in the creation of BuKo and in serving the refreshing and feel-good comedy that we have lined up for the coming months.”

Say naman ni Direk Michael Tuviera, APT CEO & President, “Conceptualizing the programs for BuKo Originals was never an easy task, but it was well worth it especially with the talents that we’re working with and all the amazing ideas that are brought to the table. We look forward to filling BuKo with non-stop laughter and feel-good entertainment for the whole family.”

Opisyal nang bukas ang BuKo channel sa Cignal TV Channel 2 at SatLite Channel 2, at sa Cignal Play app, na downloadable sa App Store at Google Play. Para sa mga katanungan sa Cignal postpaid at prepaid na subscription, bisitahin ang http://cignal.tv. Magagamit rin ang Cignal Plan para sa Prepaid 100 at Postpaid 250, habang ang SatLite Plan naman ay nagsisimula sa P49 load.

Samantala, kasama pala si Maine sa nakipag-brainstorming para mag- suggest ng mga idea na puwedeng i-share at nagustuhan ito ni direk Michael, Isa na nga ang #MaineGoals sa BuKo Channel.

“Maraming ideas si Maine eh, very creative. So ‘yun ang gusto naming bigyan ng priority. In terms of sitcom, she has a current sitcom now, so parang hindi naman namin ‘yun ipa-priority kay Maine.

 “Marami po kaming naka-line up for Maine at pina-prioritize namin ‘yung mga medyo passion projects niya. ‘Yung medyo gusto niya, pero hindi siya nabigyan ng chance to fulfill.

“But there are so many other concepts, genres na puwede niyang gawin at gusto niyang gawin. At sobra siyang excited.”

Inaming si Maine ang unang artistang nakausap nila para sa BuKo at nasabi nga ito ng dalaga sa virtual mediacon nitong Lunes na ang tagal na nila itong naplano kaya natuwa siya na sa wakas ay tuloy na tuloy na.

Hirit pa ni direk Michael, “Sa dami ng opportunities and other genres that she can do, excited siya to have a new home in BuKo for those kind of shows.”

At habang ginaganap ang virtual mediacon ay kasalukuyang nasa lock-in taping ang TV host/actress sabay pakita ng dagat na nasa tabi ng hotel niya at nabanggit na abangan ang pakikipag-interact niya sa mga dolphin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …