Wednesday , June 24 2026
Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella Salvador. Wala pa kasing pag-amin mula sa dalawa bagamat nakikita in public ang sweetness ng mga ito gayundin ang madalas na magkasama habang nagbabakasyon.

Ang latest pa ay ang pagbili umanong malawak na lote ng dalawa. 

Sa isang video na ibinahagi ng fans, bumili raw ng lote sina Janella at Klea pero hindi naman binanggit kung saan ang naturang property.

Sa nasabing video maririnig ang, “Grabe ang lawak ng lupa na nabili nina klea at Jea. Congrats klea and Janella. Sobrang deserve n’yo ‘yan.”

May caption naman ang video ng, “Deserve nyo yan Klea and Janella.”

Sa video makikita ang dalawa habang tinatanggal ang tarpaulin na may nakasulat na “Lot For Sale” at sa ending ay ang litrato na nakuha nila ang certificate ng lote.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …