Tuesday , January 31 2023
Andrea del Rosario, Christopher de Leon

Andrea del Rosario, umaapaw ang respeto kay Boyet de Leon

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NASA lock-in taping ng Huwag Kang Mangamba si Andrea del Rosario nang makahuntahan namin siya thru FB last Tuesday.

Inusisa namin ang aktres hinggil sa mga kaganapan sa taping ng naturang serye ng ABS CBN na tinatampukan nina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Seth Fedelin, Sylvia Sanchez, Mylene Dizon, at marami pang iba.

Lahad niya, “Hindi pa tapos ang taping naminone or two more days pa. Pero last cycle na ito, then may new show na yata si Andrea. Ang taping namin ay sa Batangas.”

Ang role niya sa serye ay partner ni Richard Quan?

Tugon ng aktres, “Yes, wife of Richard Quan na head ng syndicate na mai-involve si Andrea Brilliantes.”

Nabanggit din ng former Viva Hot Babe na maayos ang kanilang taping.

Sambit ni Ms. Andrea, “Super smooth! Super relax. Super nice ang mga co-actors ko rito, especially si Andrea Brillantes and the other Gen Z’s… Feeling ko Gen Z din ako! Hahahaha!”

Idinagdag ng aktres na nag-enjoy siya sa seryeng ito, kahit napalayo siya sa kanyang unica hija na si Bea.

“Yes, because not only the whole staff are nice, co-actors are very friendly and fun.”

Pagpapatuloy ni Ms. Andrea, “As a mother, I think it’s healthy rin that I work and Bea understands that. She’s old enough naman to understand, it also forces her to be independent.”

Gaano niya nami-miss si Bea kapag nasa taping siya? Normally, gaano katagal ang lock-in taping?

“Usually one to two weeks kapag guest and longer kapag may nag-positive because of quarantine,” sambit ni Ms. Andrea.

Nag-aalala rin ba siya na baka may mag-positive at magkahawaan and mas lalong matagalan siya sa pag-uwi?

“Yes, because may anak akong uuwian. But we still need to move forward in life, ‘di ba? Na-experience ko na ang mag-extend because may nag-positive. That’s why I accept guestings muna lately and not regular shows. This is the reason I had to beg off din from a show na dapat from June to December, naawa rin ako sa anak ko,” seryosong wika pa niya.

Recently ay nawala sa serye si Ian Veneracion, na ang sinasabing dahilan daw ay conflict sa taping schedules, so, paano ang ginawa nila sa character ni Ian?

Esplika ng aktres, “Nag-reshoot kami. Hindi kasi ni Ian natapos ‘yung show, may ibang commitment… so, reshoot.”

Naka-eksena niya rin ba si Ian dito?

Aniya, “Yes, marami na rin kaming nakunan na eksena with Ian, kaso hindi niya matapos ‘yung show, so reshoot with Tito Boyet.”

Sina Andrea, Richard, at ang premyadong aktor na si Boyet de Leon ay kabilang sa mga bagong characters sa naturang serye.

Tinanong din namin ang aktres hinggil sa FB post niyang ito – No intro needed right? anyway, bawal bakel sa mga scenes! Nice working with you again Tito “BO”! Hahahaha

Nai-starstruck pa rin ba siya kay Boyet de Leon?

Esplika ni Ms. Andrea, “More on over flowing respect for what he has done and achieve. And the fact that he is still on top of his game after all these years! #idol!”

Prior to this, kailan sila last time na nagkatrabaho ni Boyet? “Last time we worked, TV5’s Kidlat and Misibis Bay yata… So, I was happy to know that I’ll see him and work with him again,” masayang wika pa ng aktres.

About Nonie Nicasio

Check Also

Jun Miguel Talents Academy PMPC 35th Star Awards for TV

Talents Academy wagi sa  PMPC 35th Star Awards for TV

MASAYANG-MASAYA ang dating That’s Entertainment member na si Jun Miguel na siyang producer and director ng matagumpay na children’s …

Maria Luisa Varela Miss Planet International 2023

Maria Luisa Varela itinanghal na Miss Planet International 2023

HINDI man tayo pinalad na manalo sa Miss Universe, Miss International, at Miss Earth ay wagi naman ang Pilipinas sa Miss …

Paolo Ballesteros

Vice Ganda tinalo ni Paolo Ballesteros sa Star Awards for TV

MATABILni John Fontanilla WAGING-WAGI sa katatapos na Philippine Movie Press Club 35th Star Awards for Television na ginanap …

Lian Paz Paolo Contis

Lian Paz may parinig kay Paolo Contis

MATABILni John Fontanilla USAP-USAPAN sa apat na sulok ng showbiz ang naging post ni EB Babe …

Richard Yap Jodi Sta Maria Gabbi Garcia Joshua Garcia

Unbreak My Heart ng ABS-CBN at GMA kukunan sa Switzerland

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INUMPISAHAN na pala ang shooting ng kauna-unahang collaboration ng GMA Network at ABS-CBN, …