Thursday , June 4 2026
Nueva Ecija Police PNP

2 bangkay sa sinunog na kotse kinilala ng pulisya, 2 POI tinutugis

PINANGALANAN nang pulisya ang dalawang bangkay na natagpuan sa sinunog na kotse sa Barangay Sinasajan, Peñaranda, Nueva Ecija nitong Lunes ng umaga, 9 Marso kasabay ng pagtugis sa dalawang persons of interest (POI) sa nasabing insidente ng paspaslang.

Kinilala ang mga biktima na sina Michael Odchigue y Gallardo, 39 anyos, walang asawa, rescue officer, residente sa Barangay Santolan; at Regine Espinosa y Moroata, 34, single, negosyante, residente sa Barangay Singgalat, kapuwa sa Palayan City, Nueva Ecija.

Tinutugis na rin ng mga awtoridad ang dalawang POI kaugnay ng pagbaril sa ulo at sa batok ng dalawang biktima kasunod ng pagsunog sa kotse.

Sa imbestigasyon, nabatid na magkaibigan ang mga biktima at ayon sa kaanak ng negosyante, magbebenta siya ng apartment building na nagkakahalaga ng P18 milyon.

Pinakiusapan aniya ng babaeng biktima ang kasamang rescue officer para siya ay ipagmaneho at samahan sa transaksiyon.

Sa pahayag ng mga kaanak ng negosyante, posibleng may kinalaman ang dalawang buyer ng apartment sa krimen na nakita nilang sumakay sa sasakyan ng biktima.

Ayon kay Police Captain Vincent Taylor, Officer-In-Charge ng Peñaranda Municipal Police Station, may initial motive na sila na ang krimen ay may kinalaman sa pera pero ibeberipika pa nila ito kapag nadakip na ang mga suspek.

Bukod sa sinunog, binaril din ang dalawa sa bandang batok at nang mapatay ay iniwan sa loob saka sinunog ang sasakyan sa liblib na lugar. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …