Monday , December 23 2024
DepEd Money

DepEd ‘nganga’ sa online classes? (Kahit malaki ang pondo)

HABANG aligaga ang local governments sa Metro Manila kung paano matutulungan ang kanilang mga mag-aaral para sa “blended distant learning” na itinutulak ng Department of Education (DepEd) na pinamumunuan ni Secretary Leonor Magtolis Briones, wala naman tayong maramdamang ‘urgency’ mula sa nasabing kagawaran.

Sa totoo lang, mula nang pag-usapan kung paano mag-aaral ang 21,724,454 mag-aaral sa buong bansa sa panahon ng pandemyang CoVid-19, wala tayong naririnig na ambag ang DepEd para sa mga estudyante at mga guro.

Huwag na po rito sa Metro Manila at malalapit na probinsiya dahil walang tigil na gumagawa ng paraan ang LGUs para tulungan ang kanilang mga mag-aaral.

Kahit man lang sana ‘yung mga-mag-aaral sa malalayong probinsiya ay laanan man lang ng DepEd ng pondo para sa kanilang “blended distant learning.”

Sa Maynila, patuloy ang pakikipagpulong ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa ilang kompanya at indibidwal upang makapangalap ng pondo para mabigyan tablet devices, laptops, pocket wi-fi, at sim cards ang mga estudyante at mga guro.

Ayon sa Alkalde, nasa 11,000 laptops ang binili upang may reserba sakaling magkaaberya ang ginagamit na laptop ng may mahigit 10,300 guro sa lungsod ng Maynila.

Nasa mahigit 135,000 tablets ang ipamamahagi sa mga estudyante kasama ang sim card na may buwanang 10GB bandwith internet data connection habang ang mga guro naman ay may kanya-kanyang pocket wi-fi na may buwanang internet connection din.

Ganyan po ang alkalde ng Maynila. Ganoon din po si Pasig City mayor Vico Sotto, at iba pang alkalde.

Pero nalungkot po tayo sa nabalitaan natin kay Mayor Joy Belmonte dahil ang tablet na ipinamimigay sa estudyante ay ‘pahiram’ pala at hindi donasyon.

Ang masama, kapag hindi ito naisauli ng mag-aaral sa katapusan ng klase, ibig sabihin ba ay teacher ang mananagot at magbabayad nito?!

Arayku!

Huwag nating ibuhos ang lahat ng sisi kay Mayor Joy, baka naman nasabi niya ito dahil hindi nga niya maramdaman na magpapakawala ng budget ang DepEd bilang tulong sa mga mag-aaral.

Kahit na nga ang DepEd ang ikatlo sa may pinakamalaking budget (P36 bilyones) ngayong taong 2020 parang hindi sila ma-feel ng mga estudyante at mga guro ngayong pandemya.

Malapit na ang 24 Oktubre, kung handa na ang Metro Manila, handa na rin kaya ang mga guro at mag-aaral sa malalayong probinsiya?!

Ang mga guro na naghahanda para sa modular classes, handa na kaya sila, kahit hindi magkandaugaga kung paano bubunuin ang gastos sa bond paper, ink ng printer, at iba pang gastusin.

Katunayan, humingi pa sila ng tulong sa mga magulang noong panahon ng Brigada Eskuwela para sa mga donasyong makatutulong sa pagbubuo nila ng module para sa kanilang mga mag-aaral.

Nagparamdam ba ang DepEd sa mga pangangailangang ito ng mga guro nila?

Ang tanong ngayon, paano ang kaligtasan ng mga guro na iikot sa kanilang mga estudyante para sa pamamahagi ng modules?!

Wala man lang bang service ang DepEd lalo ‘yung mga nasa malalayong probinsiya?!

Palagay natin ‘e apektado si Madam Leonor Magtolis Briones.

Wala bang balak ang Palasyo na kumuha ng medyo bata-batang kalihim ng edukasyon?!

‘Yung mabilis mag-isip at umaksiyon?!

Nagtatanong lang po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *