Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Sputnik V idineklarang CoVid-19 vaccine ng Russia, unang turok sa PH para kay Duterte

HABANG ang buong mundo’y nag-aabang ng madidiskubreng bakuna laban sa mapaminsalang CoVid-19, inulit ng Russia ang kasaysayan ng kanilang Sputnik 1 noong 1957 sa kalawakan — biglang sumirit ang kanilang Sputnik V — tawag sa kanilang nadiskubreng anti-coronavirus vaccine, at idineklara ni Russian President Vladimir Vladimirovich Putin na ito ang lulutas sa nararanasang pandemya ng buong mundo.

Bigla tuloy nagulantang ang Estados Unidos, at iba pang bansang may isinasagawang eksperimento para makadiskubre ng bakuna.

Tila kompiyansa si Putin na may ibubuga ang kanilang natuklasang bakuna kaya agad siyang nakipag-ugnayan sa mga lider ng bansa, kabilang si Pangulong Rodrigo Duterte, na maaaring makatulong sa ginagawang eksperimento ng kanilang mga eksperto bago tuluyang pakawalan sa merkado ang Sputnik V.

Sa Russia, iniulat na bago sinubok sa 76 volunteers ang Sputnik V ay sinabing nakapasa na ito sa lahat ng pagsusuri para sa kaligtasan at pagiging epektibo ng bakuna, sa iba’t ibang animal species.

Ipinahayag ni Russia’s Direct Investment Fund (RDIF) Chief Executive Officer Kiril Dmitriev, maaari nang simulan ng Cuba ang produksiyon ng CoVid-19 vaccine, ang Sputnik V, sa Nobyembre.

Ayon kay Dmitriev tiwala sila sa Cuba dahil mayroon silang malawak na kapasidad para sa produksiyon ng mga medisina at bakuna at mataas din ang kalipikasyon ng kanilang mga kawani.

By the way, binanggit din po ni Dmitriev na ang third stage ng vaccine trials sa Russia ay magsisimula na sa Miyerkoles.

Pagkatapos nito, itutuloy ang pag-aaral, pagsusuri at ekperimento sa United Arab Emirates, Saudi Arabia, at sa Filipinas.

At kapag naging matagumpay umano ito sa Filipinas, papayag ang Russia na magmanupaktura nito ang ating gobyerno para makatulong sa buong bansa.

Sana nga po at huwag sanang panghimasukan ng pharma companies na gigil na gigil sa ‘dambuhalang tubo’ sa ngalan ng ‘nararanasang pandemya’ ng sambayanan.

        Kung hindi tayo nagkakamali, sa mga eksperimento po sa mga bakuna at medisina, ang third stage trials ang pinakakrusyal. Ibig sabihin, patutunayan ng third stage trials na ito ang ‘kompiyansang’ ipinakikita ni Putin para sa Sputnik V.

Nitong Martes, ipinahayag ni Health Minister Mikhail Murashko sa buong mundo na inirehistro na nila ang Sputnik V, bilang unang bakuna na nadiskubre laban sa CoVid-19. Ipinangalan nila ito sa kanilang unang artificial satellite na inilunsad ng USSR sa orbit noong 1957.

Ang Sputnik V — nabuo sa ilalim ng Gamaleya Research Institute — ay kaya umanong magbigay ng proteksiyon laban sa coronavirus sa loob ng dalawang taon matapos na maiturok sa isang tao.

Bukod sa Sputnik V, mayroon din umanong isinasagawang eksperimento sa Estados Unidos para rin sa bakuna.

Pero hindi kompiyansa si Daniel Salmon, Director ng Institute for Vaccine Safety at ng Johns Hopkins Bloomberg School of Public Health sa ginawang trials sa Sputnik V.

Kailangan umano ay mayroong large-scale phase ang tatlong clinical trials.

“It’s really unknown whether the vaccine even works and what potential side effects it could have on the general public,” pahayag ng ilang eksperto.

“Phase three trials are critical for drug and vaccine development. Would I be confident about the safety and effectiveness without a phase three? Absolutely not,” nagdududang pahayag ni Salmon.

        Ayon kay Dr. Paul Offit, director ng Vaccine Education Center sa Children’s Hospital of Philadelphia, nag-aalala siya na kapag naaprobhan ang bakuna ng Russia ay ma-pressure ang US na maglabas din ng bersiyon nila kahit hindi pa sila handa.

“It could be a major mistake. It could cause a lot of harm,” pahayag ni Offit sa The Exchange ng CNBC, at idinugsong  na ang hakbang ng Russia ay isang ‘political stunt.’

Ang pahayag naman ng World Health Organization:  “There is no ‘silver bullet’ for the coronavirus, which has infected more than 20 million people worldwide and killed at least 737,000 as of Tuesday,” batay umano sa mga datos na nakalap ng Johns Hopkins University.

Sa kasalukuyan, tila nagkakarerahan ang mga scientists sa buong mundo na makapag-develop ng ligtas at epektibong bakuna laban sa virus.

Bakit hindi e tiyak na titiba rito ang big pharma companies sa buong mundo.

 Sa huling tala, mayroong 150 vaccines under development sa buong mundo, kabilang ‘yung Sputnik V ng Russia.

Ayon sa WHO, 26 dito ay kalukuyang nasa human trials. Kaya nang ideklara ni Putin ang Sputnik V, pinagdudahan ito ng maraming scientists. Kulang pa raw ang pag-aaral, pagsusuri at pagsubok kaya hindi pa kayang sabihin na ito ay ligtas at epektibo.

Anila, “Developing, testing and reviewing any potential vaccine is a long, complex and expensive endeavor that typically takes months or even years.”

Sabi nga, sa lahat ng mga bagong kaganapan o phenomena, laging sangkot dito ang sangkatauhan.

Nasa tao ang casualty, nasa tao ang lilikha ng gamot o bakuna, at nasa hanay rin ng tao ang magpapatunay na epektibo ang bakuna, pero bago iyon alam natin na tao rin ang unang manganganib kung palpak ang bakuna.

Sa Filipinas, marami ang natutuwa na unang nagboluntaryo si Pangulong Digong para subukan ang bakuna.

Ang sabi ay sa Mayo 2021 pa ito maituturok.

Tiyak na marami ang mag-aabang.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *