Wednesday , May 7 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Medical frontliners pakinggan, tulungan, at ating sagipin sa pamamagitan ng pangangalaga sa ating kalusugan (Kung walang remedyo ang gobyerno)

PARA sa mga nagagalit o hindi maintindihan ang mga kababayan nating patuloy at walang takot na nagpapahayag ng kanilang kritisismo sa kalagayan ng buong bansa sa panahon ng pandemya, huwag po ninyo silang personalin.

Sa totoo lang po, ang mga kritikong ‘yan ang nagsasatinig ng ating mga hinaing sa panahon ng pandemya na hindi nakikitaan ang pamahalaan ng siyentipiko at estratehikong hakbang upang wakasan ang pandemyang CoVid-19.

Nakalulungkot mang sabihin, bigo ang pamahalaan sa sinasabi nilang ‘pagpatag sa kurbada’ ng pandemya kahit nagpakawala ng P275 bilyon mula sa kaban ng bayan at US$5.8 bilyong foreign loans.

At ‘yang US$5.8 bilyong foreign loans na ‘yan ay babayaran nating lahat hanggang sa mga kaapo-apohan natin.

Kaya huwag tayong mangiming magsalita kung sa tingin natin ay makatutulong naman tayo gaya ngayong dumaraing na ang maraming medical frontliners.

Huwag kalimutan na may bilang ang mga boses natin.

Hindi nakapanghihinayang mangutang kung nai-address nang tama o kahit malapit-lapit man lang sa katatohanan ang paglaban natin sa CoVid-19.

Pero por Dios po Santo, limang buwan nang hindi nagbabago ang sitwasyon at palala nang palala, wala pa rin tayong naaaninaw na maayos na resulta…

Mismong medical frontliners ang nagsasabi na mayroong problema sa approach o sa sistema (kung may sistema ngang ginagawa para wakasan ang salot na ito) ng ahensiyang nakatalaga  o namumuno para i-address ito dahil hindi nababawasan ang mga pasyenteng dinadala sa kanila.

        Sabi nga ng isang medical frontliner, “Dati po kapag gumaling ang isang pasyente nakapagpapahinga kami, ngayon po, hindi pa gumagaling ang isang pasyente, may tatlo o limang kasunod na.”

        E ano nga naman ang kahulugan nito?

        Ibig sabihin lalong lumalala ang sitwasyon.

        Banner story na po tayo sa The Strait News ng Singapore. Tayo na ang South East Asia’s coronavirus hot spot.

        Tsk tsk tsk…

Talaga bang hihintayin na lang ng gobyernong ito ang pagdating ng ‘bakuna’ na hindi pa rin natin sigurado kung epektibo at walang side effect sa ating kalusugan?!

Kung ganyan po ang ating sitwasyon, aba, tayo na po ang mag-alaga sa ating mga sarili. Magtakda ng protocol sa buong pamilya. Panatilihing malinis ang kamay, laging maghugas. Huwag kalilimutang magsuot ng face mask at face shield kung lalabas ng bahay. Kumain ng masusustansiyang pagkain, uminom ng mga garantisadong supplements at bitamina. Gumawa ng daily exercises sa loob ng bahay dahil hindi nga puwedeng lumabas.

Huwag lumabas ng bahay kung hindi naman kailangan. At iwasang ma-depressed upang hndi humina ang immune system.

Mahaba pa po ang laban kaya ang pakiusap lang po ng ating health workers and medical frontliners, alagaan ang ating mga sarili upang hindi na tayo makadagdag sa mga kababayan nating kailangang gamutin.

Alagaan ang sarili hindi para sa sarili lang, kundi para sa pamilya, sa kapwa, sa mga napapagal nating medical frontliners, at para sa bayan.

Let’s go!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Ano na ngayon ang tingin ng mga botante kay Pulong?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINABI ni Congressman Pulong Duterte na ipapa-“authenticate” niya sa …

Sipat Mat Vicencio

FPJ Panday Bayanihan Partylist para sa mapayapang halalan

SIPATni Mat Vicencio ILANG araw na lang at tuluyan nang magdedesisyon ang taongbayan kung sino …

Dragon Lady Amor Virata

Fake news requirement na National ID para sa pagboto, ayon sa Comelec

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ng Commission on Elections (COMELEC), ‘wag maniniwala sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit pipi ang PDP sa isyu ng West Philippine Sea?

AKSYON AGADni Almar Danguilan BUKOD sa trabaho, food security, at kalusugan, isang pangunahing election issue …

Sipat Mat Vicencio

Nelson Ty kay Isko: Yes, let’s make Manila great again!
“TAGUMPAY NI ISKO, PANALO NG MAYNILA!”

SIPATni Mat Vicencio ITO ang pahayag ni dating Barangay Chairman Nelson Ty, tumatakbong konsehal ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *