Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Elijah Alejo, na-excite sa muli nilang pagsasama ni Katrina Halili

BAGONG episodes muli ang mapapanood sa Sabado sa Wish Ko Lang! at Imbestigador.

 

Bibida sa programa ni Vicky Morales na Wish Ko Lang! sina Katrina Halili, Luis Hontiveros, Kim Rodriguez, at Elijah Alejo. Gagampanan ni Katrina ang kuwento ng isang ina na gagawin ang lahat para sa kanyang mga anak. Reunion kung tutuusin ang Wish episode na ito para kina Katrina at Elijah na matagal na ring ‘di nakakapag-taping para sa kanilang afternoon drama na Prima Donnas.

 

Si Elijah, excited na muling makasama ang kanyang “Ate Katrina.” “Natuwa po kasi after ng ilang buwan, nagka-work po ulit kami ni Ate Kat and nanay ko po siya rito so hindi ko po siya tatarayan unlike po sa ‘Prima Donnas,’” sabi ng young Kapuso star.

 

Ang Wish Ko Lang! naman ang unang proyekto ni Luis as a Kapuso. Say ni Luis: “I am extremely humbled to be part of such a significant show and I am grateful that ‘Wish Ko Lang’ was the first show to allow me to showcase my craft.”

 

Samantala, tututukan naman ni Mike Enriquez ang mga krimeng naganap sa gitna ng pinatutupad na community quarantine sa  Quarantine Crimes series ng Imbestigador. Ngayong Sabado (August 8), ang kaso ni Fabel Pineda ang tampok sa programa. Si Fabel ay isang 15 gulang na babaeng pinatay sa Cabugao, Ilocos Sur noong July 2.

 

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …