Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

2 labandera timbog sa P3.4-M shabu (Sumasadlayn bilang tulak )

MAHIGIT sa P3 milyon halaga ng shabu ang nakuha sa dalawang labanderang sumasadlayn bilang tulak at kapwa big time sa ilegal na droga makaraang maaresto sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Ronaldo Ylagan ang naarestong mga suspek na sina Mary Jane Malabanan, 49 anyos, residente sa Bayanihan St., Barangay 159, at Grace Palacio, 48 anyos, residente sa East Libis, Baesa, Barangay 160, Sta Quiteria.

 

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act 2002 ang isinampa ng pulisya laban sa mga suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

 

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Dario Menor, dakong 11:20 pm nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Joel Guimpatan at P/Capt. Danilo Esguerra, Jr., ng Sub-Station 6 sa harap ng bahay ni Malabanan.

 

Kaagad dinamba ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng isang medium size knot-tied transparent plastic bag ng shabu ang isang pulis na poseur-buyer kapalit ng P70,000 marked money na binubuo ng dalawang tunay na P1,000 bills at 68 piraso ng 1,0000 boodle money.

 

Doon nakompiska ng mga operatiba sa mga suspek ang aabot sa 500 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P3,400,000 base sa standard drug price at buy bust money. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …