Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Darren Espanto, apat na buwan lockdown sa Calgary, Canada

MARCH 16 pa lang nang mag-declare si Pangulong Rody Duterte ng community quarantine sa Luzon at iba pang lugar.

Kaya from Canada ay agad na sinundo ni Mrs. Marinel Espanto ang anak na si Darren Espanto sa Filipinas at isinabay ang singer na anak pabalik sa Calgary, Canada.

At sa pamamagitan ng kanyang social media account tulad ng YouTube, Instagram, Twitter, etc., ay dito  nakikipag-communicate si Darren sa kanyang Darenatics fans na todo suporta rin sa YouTube channel ng kanilang idolong bagets singer.

May isa kaming episode ng uploaded video ni Darren sa YT na nagluto sila ng cookies ng kanyang litter sister na si Lynette na umani agad ng maraming views.

At napanood rin namin ‘yung latest interview ni Ging Reyes sa nasabing young singer-actor at ikinuwento na matagal na siyang nasa Calgary at madalas ay silang dalawa lang ng kanyang kapatid ang tao sa bahay dahil parehong nagtatrabaho bilang frontliners sa hospital ang kanilang parents na si Mr. Lyndon and Mrs. Marinel Espanto.

Mula raw March 16 hanggang sa araw ng interview sa kanya ni Ging ay hindi pa nakababalik sa Filipinas si Darren. ‘Yung supposedly meeting nga raw with his ASAP family ay hindi natuloy noong Marso.

Yes kahit sa Canada hangga’t wala raw gamot o vaccine laban sa COVID-19 ay wala munang gig si Darren dahil ayaw rin ng ilang concert producer roon na maging sanhi sila sa pagkalat ng coronavirus. Napaka in-demand pa namang concert performer ni Darren na kaliwa’t kanan ang shows noon sa bansa at abroad.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …