Nasa mundo na rin ng vlogging ang inyong columnist pero hindi sa pagmamalaki bawat isyu na aming tina-tackle sa Chika Mo Vlog, Kabog na napapanood sa YouTube ay sinisiguro naming totoo lahat ang aming ibinalita sa aming manonood. Unlike other showbiz vloggers na basta may mai-chika lang sa kanilang vlog ay hindi muna inaalam ang totoong istorya at ang ‘d height, aside sa hindi accurate ang news nila, ay ini-exaggerate pa nila ang issue kaya marami silang artistang nabibiktima sa kanilang fake news.
Tulad na lang ni Coco Martin na ayon sa mga vlogger na nag-feature sa kanya recently lang ay bumibili raw ng blocktime na evening slot sa TV5 para sa kanyang
FPJ’s Ang Probinsyano, tapos kinompirma ng management ng TV 5 na tinanggihan nila si Coco.
Para maklaro natin ang nasabing issue dito sa ating Vonggang Chika column ay agad naming kinontak ang isa sa mga taong malapit kay Coco, at pahayag niya nasa ABS-CBN pa rin si Coco at tuloy-tuloy pa ring napapanood sa Kapamilya channel at sa iba’t ibang social media platform ang FPJ’s Ang Probinsyano, action-drama series na pinagbibidahan and this September ay 5 years na sa ere.
Saka hindi naman daw si Coco ang producer ng Ang Probinsyano kundi ang ABS-CBN at Dreamscape Entertainment kaya’t bakit daw magba-blocktime ang actor sa TV5.
Sa madaling salita never nakipag-negotiate si Coco o ang kampo niya kay Mr. Manny Pangilinan na owner ng TV5 kaya malinaw sa lahat ng vloggers na nagpakalat ng issue na koryente sila.
Obyus naman na kahit alam na fake news ang kanilang tina-tackle ay sige lang sila nang sige dahil alam nila ito ang uso at dito sila makage-gain ng maraming views and subscribers na kikita sila. Paano naman ‘yung mga nabibiktima nilang celebrities, masyado silang unfair at bias.
Naku, wala na silang pinagkaiba sa bashers and trollers.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma