As of 6:00 pm of July 23 ay nasa 280K views na ang “Inspirado” Music Video na produced at idinirek ni Reyno Oposa na isang filmmaker na naka-base sa Canada at nag-umpisa ang career sa showbiz noong 2017.
Maganda rin ang feedback ng Quarantimer ni Ibayo Rap Smith na ang music video ay humamig ng 9.1K views sa YouTube channel ni Direk Reyno na Reyno Oposa Official.
At dahil inspirado sa tagumpay ng mga naunang proyekto, noong 16 July ay inilunsad naman ni Direk Reyno ang music video na “Hindi Na Kita Mahal” na ang PDW singer na si Eman Bautista ang kumanta at siya ring beat producer ng nasabing single.
Malaki ang tiwala ng kaibigan naming director (Oposa) kay Eman kaya’t binigyan niya ng pagkakataong makapag-recording sa kanyang Ros Film Production.
Hindi rin naman mapapahiya si Direk dahil ang ganda ng boses ni Eman na hindi pakakabog kina Michael Pangilinan, Bugoy Drilon, at Jay R. Bukod sa pagkanta, si Eman ay tinatawag na The Great Beats, dahil sa husay niya sa pagtugtog ng mga instrumento.
Mapapanood rin ninyo sa naturang music video ang dalawa sa bagong mukha na talent ni Direk Reyno na sina Charise Lepiten at Harold Torrijos. Siyempre si Direk Reyno rin ang director at producer ng Hindi Na Kita Mahal.
When we ask Direk Oposa kung bakit malaki ang puso niya sa mga newcomer? At narito ang naging tugon niya, “Gusto kong tumulong sa mga baguhang hindi napapansin ng malalaking network at mga promoter ng concert. Marami tayong magagaling na singer na pang world-class ang talent, sana after giving them break ay mabigyan rin sila (mga talent) ng pagkakataon na maipakita sa national television,” pagtatapos pang pahayag ni Direk Reyno, abala rin sa paggawa ng movies.
Si Eman ay inisnab raw ng malaking TV network at pinangakuan ni Willie Revillame na susuportahan ang career, pero hindi tinupad ng TV host comedian-producer.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma