Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dovie San Andres, gustong Linisin ang pangalan ng recording artist na si Kervin Sawyer

Matindi talaga ang inggit kay Dovie San Andres ng kanyang bashers, kaya’t ayaw tantanan ang controversial social media personality. Hangga’t maaari ay ayaw nang paapekto ni Dovie sa bashers & trolls na super pasaway at mahilig manira ng kapwa.

Pero may limitasyon din naman siya at ang ikinaiirita ni Dovie maging ang hinahangaan niyang recording artist na si Kervin Sawyer ng Sawyer Brothers ay inaakusahan na pineperahan daw siya.

Kaya para malinis ang pangalan ni Kervin ay agad na nag-post ng kanyang statement si Dovie, para paliwanagan ang mga nakabasa ng mga bashing patungkol nga kay Kervin.

“Kervin D. Sawyer isa sa (Sawyer Brothers)  Ang kumanta ng Ghosting, 45 Kuwarenta y singko, SMS: One Text Away, Destiny. Correction: hindi sya nanghothot sa akin. Kahit isang cent wala syang nahothot sa akin. Idol ko si Kervin D. Sawyer.

Napakabuti niyang tao at kaibigan, napakadisente niyang tao at ang pamilya niya. Kung mayroon kayong galit sa akin huwag kayo mandamay-damay ng taong inosente. Ako na lang ang tirahin ng sa mga panlalait n’yo. Hindi ang ibang tao tulad ni idol Kervin D. Sawyer na walang kaalam-alam sa mga nangyayari sa buhay ko. Tinawag mo akong matrona?  Hmmmmmm bago iyan ah!!!?? Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

Hindi na masakit sa tainga ko, manhid na ang dibdib ko sa mga kung ano-anong tinatawag sa akin. Simula 2009. Nasanay na rin ako sa mga batikos sa akin ng bashers, haters, trolls. Thank You! God bless you!  Ingat sa COVID-19 naka makuha mo kasi baka ma karma ka na!”

Mahabang mensahe ni Dovie sa bagong paskil sa kanyang Facebook account.

Loud and Clear?

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …