Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alice Dixson isisiwalat ang totoong nangyari sa ‘taong-ahas’ sa Robinson’s Galleria (Paglipas ng mahigit tatlong dekada)

DEKADA ‘80 nang bumulaga sa telebisyon at diyaryo ang balita kay Alice Dixson na muntik na umanong makain ng lalaking taong ahas sa Robinson’s Galleria na kakambal raw ng isa sa mga anak ni Mr. John Gokongwei na si Robina. Kahit hindi na pinag-uusapan ang nasabing issue ay nananatiling urban legend ito.

 

Pero ngayon, idi-divulge na raw ni Alice sa kanyang social media account o YouTube network, may 167K subscribers, ang totoong nangyari sa kanya noong araw na nagsusukat ng damit sa fitting room ng Robinson’s Galleria.

 

Para sa ikatatahimik ng isyung ito ay ipapaliwanag ng magandang actress, ang kanyang side at kaya raw siya magsasalita dahil sa ipinangako niya ito sa kanyang kaibigan na hindi na niya pinangalanan.

 

Mabuti na rin na mag-confide na si Alice, para matigil na rin ang haka-haka na kaya siya nanahimik sa usaping ito ay dahil binayaran siya umano ng malaking halaga ng mga Gokongwei.

 

Saka mukhang maganda ang sasabihin ni Alice sa kanyang YT channel lalo’t pumayag na siyang maging endorser ng Robinson’s Galleria.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …