Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Love Thy Woman, malakas sa digital platforms

TULAD ng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin na malaki pa rin ang viewership sa Kapamilya Channel at ilang digital platform ng ABS-CBN ay malakas rin ang Love Thy Woman na pinagbibidahan ng reel and real sweethearts na sina Kim Chiu at Xian Lim.

Yes umaani ito ng daan-daang libong views at may episode na million ang views nito sa Facebook at Youtube.

Well, kapag avid viewer ka ng Love Thy Woman ay siguradong maho-hook ka na hindi lang sa ganda ng istorya nito kundi kaabang-abang talaga ang mga eksena na umabot sa puntong napa­wa­lang bisa ang kasal ni Yam Concepcion kay Xian at ang pakikipaglaban ni Kim para sa anak nila ni Xian na si Michael na nasa poder ni Yam, na kanyang inangkin. Kamumuhian rito ang character ni Yam at ng mommy niyang si Eula Valdez na walang ginawa kundi ang saktan at apihin ang pagkatao ni Kim.

Naiipit naman si Christopher de Leon sa sitwasyon ng mga anak (Kim at Yam) sa magkaibang nanay. Suportado pa rin ng advertisers ang Love Thy Woman at FPJ’s Ang Probinsyano ng Dreamscape Entertainment at ABS-CBN.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …