Tuesday , April 29 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Alien’ ba si Secretary Francisco Duque III o may halusinasyon? (Pandemic na-flatten daw noong April?)

ALIEN ba si Health Secretary Francisco Duque III?

        E kasi naman parang wala siya sa Earth nang sabihin niyang “Philippines has successfully flattened the curve since April.”

        Hello!

        Kailan nangyari ‘yun Secretary Duque? Sa Earth ba nangyari ‘yun?

        O isa na namang halusinasyon ‘yan?!

        Bakit ba laging pinipilit nitong si Duque na nag-flatten daw ang curve?!

        Noong mga nakaraang buwan naman, ang sinabi ‘e nasa second wave na raw tayo?

        Ang tanong na naman, bakit nag-flatten ba ang curve? Kailan?!

        Heto naman ang bagong palusot ni Duque.

         “The metrics for arriving at that conclusion of flattening the curve is one, case doubling time of the COVID-19 infection has actually become longer. It used to have a very short case doubling time of 2.5 days during the initial phase of the pandemic.”

        Hik hik hik…

        Mapagtakpan lang ang pagkakamali. Sasabihin kahit walang basehan.

        Ang dami na po ninyong salto Secretary Duque. Wala ka bang balak gayahin si resigned New Zealand Health Minister David Clark?

        Noong maramdaman ni Clark na hindi siya nakatutulong sa kampanya ng New Zealand at posibleng makasagka pa, naghain siya ng resignasyon.

        ‘Yan ay para magtuloy-tuloy ang kanilang pagsugpo. Kaya hayun, isang success story laban sa COVID-19 ang pagbibitiw ni New Zealand Health Minister Clark David.

        E dito sa ating bansa, gusto nang tadyakan ng taong bayan pero ang laging sinasabi: “I’m serving at the pleasure of the President.”  

        Hay naku, Secretary Duque, si Presidente Duterte na lang po ang naniniwala sa inyo…

        Ang buong sambayanan tiyak na matutuwa kapag nawala ang malaking ‘bara’ o ‘balakid’ sa kampanyang kontra COVID.

        Subukan n’yo kayang-tumabi-tabi at baka isang umaga ‘e magising tayong lahat na tapos na ang problema.

        Sige na, Secretary Alien ‘este Duque … subukan na ninyong mag-resign nang kami nama’y mapanatag.

        Now na!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Imee, Camille, laglag sa endorsement ni Digong

AKSYON AGADni Almar Danguilan TABLADO kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sina senatorial candidates Senator Imee …

Firing Line Robert Roque

Tara, PNP, pustahan tayo!

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAHIRAP paniwalaan ang patuloy na paninindigan ng Philippine National …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Hustisya sa kuwaresma hatid ng PNP sa pamilya Que-Pabilio

AKSYON AGADni Almar Danguilan TUWING kuwaresma ang lahat ay nagpapahinga, nagbabaksyon, nagninilay, etc…dahil walang pasok …

Sipat Mat Vicencio

Masisikmura ba ng DDS na iboto si Imee?

SIPATni Mat Vicencio SA KABILA ng pambobola ni Senator Imee Marcos sa pamilyang Duterte, magagawa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperado na si Camille Villar at ang paglaglag ni Sara sa PDP-Laban senatorial slate

AKSYON AGADni Almar Danguilan DAHIL sa ginawang pag-endoso ni Vice President Sara kina Senator Imee …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *